Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, ‘inilaglag’ ni Bimby; Pagkataklesa ng ina, tinalo

NAPANOOD namin ang talk show ng mag-inang Kris Aquino at Bimby Aquino Yap sa Instagram account ng Queen of Online World and Social Media. Bagay magkaroon ng talk show ang mag-ina dahil pareho silang taklesa.

‘Hindi lang namin alam kung papayagan ni Kris na makasama ang anak sa isang show dahil tiyak na matatalo siya sa kadaldalan ng bunso at masasabing mas taklesa kaysa kanya.

Kaya nga laging sinasabi ni Kris na ang anak niya ang katapat niya dahil nagmana sa kanya ang pagkatabil ng dila.

Nagpasampol si Kris ng usapan nila ni Bimby na ipinost niya noong Lunes ng gabi. Ang video ni Kris habang ini-inteview siya ni Bimby ay may caption na, “he (Bimby) tables were turned. My bunso got to interview me. I specifically asked NOT to be shown the questions in advance because I wanted all of you to really get to see my #AUTHENTICITY. This uploads tomorrow. Sharing w/ all of you a teaser before I say good night.”

Tanong ni Bimb, “would you want to have another relationship in the future?  Mama do you think you will ever betrayed again? Will you love someone in the future?”

Pati ang first love ni Kris ay hindi pinalampas ni Bimby. Anito, “who was your first love?” na inulit naman ni Kris ng, ‘first love?’ at sabay sabi ng anak, “a a a Al (Alvin Patrimonio)” ang tanging nasabi na lang ng ina, ‘hay nakakaloka ‘to!’

Susog muli ni Bimby, “will you love someone more than me and kuya in the future?” na kaagad sinagot ni Kris ng, ‘never! Having a relationship with Kris Aquino means having a relationship with the entire Philippines.’

Nakangiti at pumapalakpak na sabi ni Bimby, “yey, that means you will never got a boyfriend.”

Tanging nasabi na lang ni Kris, “See, ang hirap nito, eh, sumasagot pa ako (sabay hawak sa ulo).

My God BCAP’s (Bimby Cojuangco Aquino) gonna be viral, yes!” say ni Bimby.

Why do you spoof your mother?” tanong ni Kris sa anak. Na sinagot naman ni Bimby ng, “Because it’s fun!”

Sa kabilang banda, umabot na sa 371,000 ang nakapanood sa interview ni Bimby at halos lahat ay positibo ang komento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …