Wednesday , December 25 2024
OFW kuwait

Deployment ban sa Kuwait mananatili – Duterte (OFWs hinimok umuwi)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na mananatili ang deployment ban o pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.

“The ban stays permanently. There will be no more recruitment, especially for domestic helpers. Wala na,” pahayag ng pangulo pagkalapag sa Davao City makaraan dumalo sa ika-32 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Singapore.

Binitiwan ni Duterte ang pahayag nang tanungin hinggil sa mangyayari sa memorandum of understanding (MOU) na binubuo ng Filipinas at Kuwait na naglalayong protektahan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa naturang bansa.

Isa ang MOU sa mga kondisyong ibinigay ni Duterte para alisin ang deployment ban sa Kuwait.

Ngunit kamakailan ay nasangkot ang dalawang bansa sa isang diplomatikong alitan nang lumutang ang video tampok ang ‘rescue’ ng ilang opisyal ng embahada ng Filipinas sa mga Filipino household service workers sa Kuwait.

Ayon sa Kuwait, nilabag ng embahada ang kanilang batas sa nangyaring rescue. Dahil dito, pinalayas nila si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa at pinabalik ang kanilang envoy rito sa bansa.

Hiniling din ng pangulo sa daan libong OFW sa Kuwait na umuwi ng bansa at nangakong bibigyan sila ng ayuda ng gobyerno.

“For Filipino household service workers, if your Kuwaiti employers want you to leave, then please come home. Your government will do its best to help you return,” sabi ni Duterte.

Habang inilinaw ng pangulo na wala siyang sama ng loob sa gobyerno ng Kuwait sa pang-aabusong nararanasan ng ilang Filipino mula sa kanilang mga dayuhang amo.

“For Filipino professionals who may wish to stay in Kuwait, there’s no problem,” aniya.

Bago nito, una nang umapela noong Sabado si Duterte sa 260,000 Filipino sa Kuwait na umuwi.

“I now appeal to your sense of patriotism. Come home. Tutal marami nang trabaho sa Filipinas,” sabi ni Duterte sa kaniyang talumpati sa Singapore.

Nitong Pebrero, ipinagbawal ang pagpapadala sa mga OFW papuntang Kuwait sa gitna ng mga report ng pang-aabuso sa mga Filipino household service worker (HSW).

Kasabay nito, nagimbal ang bayan sa sinapit ng Filipina na si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait.

Hinihinalang isang taon nang patay si Demafelis nang matagpuan ang kaniyang bangkay.

Kalauna’y nahuli ng mga awtoridad ang mag-asawang Lebanese at Syrian na employer ni Demafelis at mga suspek sa pagkamatay ng OFW.

Sa unang pagdinig ng kanilang kaso, sinentensiyahan agad ang mag-asawa ng bitay.

Isa ang hustisya para kay Demafelis sa mga kondisyon noon ng Filipinas bago ikonsidera ang partial lifting ng total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *