Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sison handang bumalik sa PH para sa peace nego

INIHAYAG ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison nitong Lunes, handa siyang tapusin ang kanyang exile at direktang makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte kung titiyakin ng Punong Ehekutibo na ang usapang pangkapayapaan ay hindi na muling masisira ng “peace spoilers.”

“Sa posibilidad na uuwi para makasama ko si Presidente Duterte na gabayan ang peace negotiations at mapabilis ang takbo ng peace negotiations, kailangan may sufficient na pagsulong ng peace negotiations, may malakas na batayan at hindi madaling ma-upset ng peace spoilers,” pahayag ni Sison.

“Kung uuwi ako na walang katiyakan at magandang circumstance para sa peace negotiations, baka masingitan ng peace spoilers,” dagdag ni Sison, umaakto rin bilang chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Aniya, magiging kompiyansa lamang siya sa kaligtasan kapag ang negotiating panels ng NDFP at Philippine government ay nakabuo na ng ceasefire agreement, pinagkalooban ng amnestiya at pinalaya ang political prisoners at naresolba ang dalawang mahalagang isyu sa agrarian reform at rural development, sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

Naniniwala siyang ang mga kasunduang ito at mga isyu ay maaaring maresolba kapwa ng peace panels sa 60-day window na itinakda ni Duterte.

Nang tanungin ang kanyang komento, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya tiyak kung may karapatan si Sison sa pagtatakda ng mga kondisyon para sa kilusang komunista.

“I don’t know if he is in the position to provide conditions but the President said, ‘if peace talks will resume he’s welcome to come home.’ The President will assure his security and the fact that he will not be arrested. Beyond that, the President has not acceded to any further terms,” pahayag ni Roque.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …