Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PINAGTIBAY ni Pasig River Rehabilitation Commission Exec. Dir. Jose Antonio "Ka Pepe" E. Goitia ang seryosong paglilingkod sa pagbuhay ng Ilog Pasig sa pakikipagtulungan nina Honda Foundation Inc. Chairman Yoshihiro Yamada, HFI Exec. Dir. Riza Quito, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. (ALFKI) Bantay Kalikasan Chief Finance and Service Officer Noemi Samson, ALFKI Program Director Jen Santos, PRRC Deputy Exec. Dir. for Operations Gregorio Garcia at Brgy. 832 Chairman Ireneo Fernandez kasabay ng kanilang paglagda sa deed of transfer and acceptance (DOTA) ng Brgy. 832 Phase II Linear Park sa Pandacan, Maynila. (BONG SON)

Disiplina tanging solusyon sa kaunlaran ng bansa

HINIMOK ni Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang taong bayan na pairalin ang disiplina upang mapigilan ang labis na pagtatapon ng mga basura sa daluyang tubig at tributaryo ng Ilog Pasig.

Bagamat araw ng Linggo, imbes nagpapahinga, sinikap ni Goitia na pangunahan ang kanyang mga River Warriors na linisin ang malahalimaw na basura sa ilalim ng Sevilla Bridge sa pagitan ng mga lungsod ng Mandaluyong at San Juan City.

“Hindi kaya ng local government units ang paglilinis ng sobrang dami ng basurang ito. Pati ang MMDA (Metro Manila Development Authority), hirap na rin. Kaya nakikiusap kami sa taong bayan, tumulong naman sila at igalang ang kalikasan,” pahayag ni Goitia na tiniis ang labis na init ng panahon para lamang masamahan ang kanyang mga tauhan noong hapon ng Linggo.

Iginiit ng PRRC head na matibay na disiplina ang dapat pairalin ng mamamayan upang hindi na masalaula ang ating kalikasan.

“Nakikiusap ako sa ating mga kababayan, mahalin natin ang ating kalikasan. Hindi natin makakamit ang lubos na tagumpay at magiging mahirap para sa atin kung hindi makikiisa ang mga Filipino sa mga layunin ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte tungo sa Pagbabago,” hiling ni Goitia.

Ganap na 3:00 ng hapon, sa gitna ng init, patuloy ang River Warriors sa pagtatanggal ng sangkaterbang mga basura na halos okupahan na ang buong ilog ng San Juan at Mandaluyong.

“Bukod sa mga sakit na maaaring makuha ng mga tao sanhi ng labis na basura sa mga ilog, nagsisilbi pa itong hadlang sa mga plano ng ating pamahalaan na mapabuti ang pamumuhay ng bawat mamamayang Filipino. Sana, magtulungan tayo alang-alang sa ikabubuti ng ating bayan,” dagdag ni Goitia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …