HINATULAN ng Laguna judge ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babaeng napatunayan na sangkot sa human trafficking, na naaktohang ibinubugaw ang apat babae, kabilang ang isang dalagita, sa isang pulis na nagpanggap na kustomer noong 2016.
Sa March 16 resolution, napatunayan ni San Pedro City Regional Trial Court Branch 31 Judge Sonia T. Yu-Casano na guilty ang akusadong si Lilibeth Oligo sa kasong qualified trafficking in persons, alinsunod sa nakasaad sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
Si Oligo ay nadakip noong 17 Agosto 2016 sa entrapment operation sa San Pedro, Laguna, habang inilalako ang “sexual services” ng apat na babae, kabilang ang isang 13-anyos dalagita, sa isang police chief inspector na nagpanggap na kustomer, sa halagang P1,000 bawat isa.