Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
nakaw burglar thief

Mag-asawang senior citizens hinataw ng kawatan

TAYABAS, Quezon – Kapwa sugatan ang matandang mag-asawa mula sa hataw sa mukha ng hindi kilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng madaling-araw.

Salaysay ng residenteng si Mark Labaro, nakita niyang duguan at palakad-lakad ang mga biktimang sina Tessa Pabino, 62, at Robert Albiña, 65, kaya dinala niya sa pagamutan.

Ikinuwento aniya ng mag-asawa na hinampas sila ng dos por dos na kahoy ng magnanakaw na pumasok sa kanilang barong-barong.

Narekober ng mga awtoridad ang kahoy sa pinangyarihan ng insidente.

Walang anak ang mag-asawang nagpapagaling pa rin sa ospital, ayon sa kanilang pamangkin.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …