INIHAYAG ng Philippine National Police na 90 porsiyento ng kabuuang lakas ng 190,000-strong police force ang ide-deploy ng PNP para sa seguridad ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa 14 Mayo.
“Basically all systems go na tayo riyan, bago naman ako nag-assume riyan I’m sure naka-ready na ‘yung ating mga [ka]pulis[an], ang basic diyan is 90 percent of the strength of the PNP will be deployed sa mga different polling centers,” pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde sa pulong balitaan sa Camp Crame sa Quezon City.
Ang 90 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga pulis ay 171,000.
Tinukoy ng PNP ang kabuuang 5,744 watch list areas na mahigpit na babantayan sa election period.
Binanggit ang ulat mula sa Directorate for Intelligence, sinabi ni PNP spokesperson C/Supt. John Bulalacao, ikinonsidera nila ang bagong parameters sa pagtukoy sa mga erya bilang election hotspots, na kinabibilangan ng matinding political rivalry, presensiya ng mga armadong grupo, aktibidad ng criminal gangs, dami ng loose firearms, at mga aktibidad ng threat groups.