UMULAN ng mga butil ng yelo sa Atok, Benguet nitong Sabado habang maalinsangan sa ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa mga residente, nasira ang mga pananim dahil sa hailstorm sa ilang farm at nagkalat ang mga butil ng yelo sa mga kalsada sa Sitio Sayangan, Brgy. Paoay.
Nabatid mula sa weather bureau PAGASA, may nangyari nang pag-ulan ng yelo sa Baguio at sa Metro Manila habang summer.
Ang mataas na temperatura ng summer ay maaaring magpabilis ng evaporation ng tubig sa atmosphere at nagdudulot ng thunderstorms.
Ang mga butil ng frozen rain minsan ay nabubuo habang may thunderstorm at bumubuhos, ayon kay PAGASA meteorologist Arial Pojas.
Ang naganap na hailstorm nitong Sabado ay umabot nang isang oras, ayon kay Edward Haights, isang local tourism coordinator.