Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, makakatrabaho ang JoshLia sa I Love You, Hater

ANG saya-saya ni Kris Aquino kahapon habang patungo ng ABS-CBN para sa storycon cum contract signing sa Star Cinema para sa pelikulang gagawin niya kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto mula sa direksiyon ni Giselle Andres.

Habang biyahe ay naka-live feed si Kris sa kanyang social media accounts at ibinabalita niya na gustong-gustong sumama ni Bimby para siya mismo ang mag-interview sa kanya pero tinanggihan niya dahil baka kung ano-ano ang itanong.

Nabanggit pa ni Kris, “like son, like mother.”

Napuputol ang live feed ni Kris kaya hindi namin nasundan kaya nagkasya na lang kami sa mga post niya sa FB account na litrato kasama ang non-digital manager niyang si Erickson Raymundo, Star Cinema head Olivia Lamasan, VP for Star Music, Roxy Liquigan, at AdProm Head Mico del Rosario para sa contract signing.

Base sa pahayag ni Mico, walang leading man si Kris sa pelikula at kung tama ang huling dinig namin ay empleado niya ang JoshLia.

Baguhang director si direk Giselle pero matagal ng assistant director ni Inang Olive sa lahat ng pelikula niya at ang unang pelikulang idinirehe ay ang Loving In Tandem nina Maymay Entrata at Edward Barbers na ipinalabas noong 2017.

Matagal nang pangarap ni direk Giselle na makagawa ng romcom kaya noong binanggit sa kanya ang JoshLia ay talagang ang saya niya at kinabahan at natuwa noong malamang kasama si Kris.

Magsasama sina Kris at JoshLia sa pelikulang I Love You, Hater.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …