Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kung ‘nilusaw’ ang LTO Nueva Vizcaya, Kailan naman kaya sisibakin ang ‘corrupt’ at abusadong LTFRB officials?!

BILIB tayo sa desisyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade nang ‘lusawin’ niya ang Land Transportation Office (LTO) sa Nueva Vizcaya dahil sa grabeng korupsiyon na pinagsasabwatan ng mga opisyal at empleyado roon.

Kaya sa buwisit ni Secretray Tugade, hayun pinalitan silang lahat.

Bravo Secretary!

Tutal naman ay naumpisahan na po ninyo ang pagwawalis sa inyong bakuran, baka puwedeng isunod naman ninyo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Hanggang ngayon po ay namamayagpag pa ang LTFRB official sa main office na walang ginawa kundi manyakin ang mga staff nilang chi­­ching.

At ang LTFRB official sa Lipa Batangas na nagpapagawa ng building sa Tacloban, Leyte. Tapos na siguro ang building at ngayon ay ini-enjoy na ang mala-cosmopolitan lifestyle sa lalawigan na sinalanta ni “Yolanda.”

Kapag sinudsod ni Secretary Tugade ‘yan, ti­yak na marami pa siyang matutuklasan sa LTFRB. Malamang na bumulaga sa kanya ang Pandora’s box na punong-puno ng ‘lihim ng Guadalupe.’

Kumbaga sa nililinis na bahay, huwag kayong maniwala na kapag may floor wax at makintab ang sahig sa sala ‘e malinis na ang buong bahay. Pumunta po kayo sa kusina dahil tiyak naroroon ang tipak-tipak na karne at masasarap na tsibug at kahit ang mga ‘dumi at kalat’ ay hindi maitapon-tapon maging ang tira-tirang sabaw at sarsa dahil pinaghahati-hatian.

Pero kaiingat kayo, Secretary Tugade, baka ‘maulingan’ ang inyong mga kamay.

Kaya mungkahi lang po, kung ayaw maglinis ng LTFRB ng kanilang bakuran, kayo na po Secre­tary Tugade.

Ipalasap ninyo sa LTFRB ang ginawa ninyo sa LTO Nueva Vizcaya.

Aabangan po namin ‘yan, Sir!

‘KANTA’ NI PAGCOR
CHAIR DIDI DOMINGO
PARA SA BORACAY
IBA KAY
PANG. DIGONG

KUNG ‘agrarian reform’ para sa mahihirap na magsasaka ang programa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Boracay, naka-tapa ojos naman si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chair Andrea “Didi” Domingo sa pagpapapasok ng mga ‘investor’ kuno na magtatayo ng hotel casino sa Boracay.

Hindi natin alam kung sino ang desentonado. Ang pangulo ba o si Madam Didi?

Pero naguguluhan tayo nang sabihin ng Pa­ngulo na hindi raw niya papayagan ang casino sa Boracay.

Kung hindi niya pinapayagan, bakit namamayagpag ngayon doon ang Movenpick Hotel Casino na sinasabing pag-aari ni Kim Wong!?

Alam kaya ng Pangulo na ang Movenpick Hotel Casino ay paboritong dayuhin ng mga Chinese and Korean nationals na kasama sa kanilang junket?!

Alam din kaya niya na matagal nang namamayagpag sa Boracay ang hotel casino na ‘yan?

At katunayan ay mayroon na yatang dalawa pang Casino na itatayo sa Boracay kabilang na ang Galaxy.

Mukhang ito pa nga raw ang inaapura ni Madam Didi na maitayo agad-agad!?

Arayku!

Magkano ‘este mali Ano kaya ang explanation dito ni Madam Didi?!

Paki-explain na nga po Madam Didi nang sa gayon ay hindi naman nagiging katawa-tawa ang Pangulo sa kanyang mga sinasabi.

Malasakit lang po sa Pangulo, please!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *