Thursday , August 21 2025

Happy & healthy life gusto ni Bingbong sa QC

ISINUSULONG ni District 1 Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo na maging “happy” ang lahat ng mamamayan ng Lungsod Quezon sa pamamagitan ng kompletong ayudang medikal na kahintulad ng health plus program ng Makati City.

Ayon kay Crisologo na sasabak sa pagiging QC Mayor ay walang sinumang dapat umanong mamatay sa pagkakasakit nang dahil lamang sa kahirapan.

“Saan pupunta ang isang may sakit? Kahit sa Quezon City General Hospital, East Avenue Medical Center o Quirino Memorial Medical Center ay may bayad,” aniya.

Sa isang pagkikita, nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Crisologo ang kanyang layuning matugunan ang pagtulong sa may masakit na walang kakayahang makapagbayad sa mga ospital at ang kawalan ng hanapbuhay.

“Dito sa atin, hindi ka gagalawin ng doktor kung wala kang ibabayad. What I will do is to adopt the yellow [health] card of Makati City. Walang matakbuhan ang mga may sakit,” aniya.

Ang yellow card sa Lungsod Makati ay nagbibigay ng mga benepisyo tulad ng libreng outpatient consultations, emergency at in-patient care sa Ospital ng Makati, libreng laboratory at diagnostic services sa mga ospital at satellite laboratories sa mga barangay health centers, at monthly supply ng libreng gamot.

Diin niya, ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.

“Sa pamamagitan ng pelikulang ‘The Vincent Crisologo Story’ na ginampanan ng beteranong aktor na si Rudy Fernandez, magpapatunay ng isang malaking himala nang pagbabago sa aking buhay,” aniya.

Si Crisologo ay isang kilalang Catholic Charismatic preacher na nagtatag ng Loved Flock Catholic Charismatic Community. (RAMON ESTABAYA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ramon Estabaya

Check Also

Joel Cruz Aficionado Bangong Milyones Jingle

Joel Cruz patuloy na mamimigay ng milyones

MATABILni John Fontanilla PATULOY ang pamimigay ng papremyo ng Lord Of Scents Joel Cruz, CEO …

Kamangyan Lars Pacheco Skin Magical

Socmed Influencers Kamangyan at Lars Pacheco ipinagdiwang Skin Magical: 10 taon ng ganda at tagumpay

MASAYANG-MASAYA ang mga social media influencer na sina Kamangyan at Lars Pacheco sa pgdiriwang ng ika-10 taon sa beauty …

DOST 2 Cauayan City

DOST 2 Powers Cauayan City’s Drive for Green Mobility and Smart Solutions

Cauayan City took a significant leap toward becoming a model smart and sustainable community as …

DOST-SEI STAR

DOST Region 1 Drives Transformative Action and Collaboration through DOST-SEI’s STAR Twinning Project

At the heart of its mission, the Department of Science and Technology Region 1 (DOST …

DILG MBCRPP

DILG Reaffirms Commitment to Flood Risk Reduction; 57.1K ISFs Resettled Under MBCRPP

The Department of the Interior and Local Government (DILG) reaffirmed its commitment to flood risk …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *