Friday , November 22 2024
boracay close
boracay close

May teledrama ba sa Boracay issue?

MUKHANG tuloy-tuloy na ang gagawing ‘pansamantalang’ pagsasara sa isla ng Boracay mula ngayon.

Marami na raw ang mga nagkansela ng booking sa mga hotel ganoon din ang pagbabawas ng flights sa Kalibo International Airport.

Matinding epekto ang daranasin ng pagbagsak ng turismo sa naturang lugar. Malaking kawalan din sa hanapbuhay ng mga mamamayan ng Malay, Aklan ang hindi inaasahang pagsasara nito.

Pero gaano kaya katotoo ang balitang umiikot ngayon na ‘teleserye’ lang daw ang ginawang issue tungkol sa waste management disposal ng isla?

Nakapagtataka kasi, sa kabila ng pagsasara nito ay tila minamadali naman ang pag-uumpisa ng konstruksiyon doon ng isang bigtime casino and resort na pagmamay-ari raw ng Galaxy Entertainment!?

Magkano ‘este anong dahilan at parang atat na atat na i-push nang husto ni Pagcor Chair Didi Domingo ang nasabing casino?

Wattafak!?

May hidden agenda pala, ganern?!

Sinasabing ang Barangay Manoc-Manoc na pagtatayuan ng nasabing casino ay lupa na kinatitirikan ng maraming taga-Boracay.

Imposible raw na hindi magkagulo sa lugar kung gagawing “drastic” ang pagpapalayas sa inhabitants ng lupang kinatitirikan ng mga bahay nila.

Sonabagan!

Mukhang hindi nga napag-usapan ang issue na ‘yan sa hearing ang mga senador at ilang gabinete ng pamahalaan noong nakaraang buwan?

Na-focus kasi ang hearing sa issue ng waste management kaya walang kaalam-alam ang mga non-government organizations ng Aklan na may niluluto pala ang ilang personalidad sa pamahalaan.

How about the local government of the area? Sila ba ay nagoyo o nakiisa rin sa ‘teledramang’ ito?!

Well, sila lang ang makasasagot niyan!

Ang tanong, may aamin ba naman?

Ang siste, muli na namang napaboran ang kapakanan ng dayuhang investors kaysa kapakanan ng lokal na mamamayan.

Isipin na lang na tanggalan mo ng kabuhayan ang libong tao na umaasa sa turismo sa nasabing lugar pagkatapos ay mayroon palang niluluto ang iilan?

Susmaryosep!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *