Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayudang higit sa QC isinusulong ni Rep. Bingbong Crisologo

ISINUSULONG ni District 1 Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo ng Quezon City ang higit pang ayuda sa mga nangangailangan ng pagkalinga kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataong magsilbi sa tatlong milyong constituents ng lungsod sa darating na 2019.

Aniya, umaabot sa P19 bilyon ang nakokolekta ng Lungsod Quezon, sapat upang makapaglaan ng P1 bilyon para sa libreng palibing; P1 bilyon para sa libreng gamot, maintenance, dialysis, chemotherapy at sa mga aksidente; P1 bilyong ayuda sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, at libreng uniporme, sapatos at bag; P1 bilyon para sa “tulong panghanapbuhay sa ating displaced or disadvantaged workers (TUPAD), at P1 bilyong ayuda sa daan-libong senior citizens.

“Nakausap ko ang Pangulong Rodrigo Duterte, at nasabi niya na nais niya na maging ibang-iba ang kanyang administrasyon,” saad ni Crisologo.

“Nais ng ating Pangulo na madama ng mga tao ang pagkalinga ng ating pamahalaan. Mas mataas ang pagpapahalaga niya sa pagbibigay ng serbisyo publiko dahil doon tayo kulang na kulang,” dagdag niya.

Inilinaw ni Bingbong Crisologo na noon pa man ay kusang loob na siyang nagbibigay ng libreng palibing sa mahihirap na kababayan niya hindi lamang sa Distrito 1 kundi maging sa iba  pang distrito ng kanilang lungsod.

“Kahit noong hindi ako nakaupo nang 3 years noong 2013 hanggang 2016, bumibisita na ako sa mga namatayan,” aniya at hindi umano siya kagaya ng ibang politiko na ang iniaabot na ayuda sa mga namatayan ay cheesecake at Zesto juice lamang.
“Ngayon na lamang sila bumababa sa mga namatayan,” pagdidiin ni Bingbong.

(RAMON ESTABAYA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ramon Estabaya

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …