Monday , December 23 2024

Kawalan ng license plates, COA ang sisihin

SINISI ang Commission on Audit (COA) sa nararanasang kawalan ng makabagong motor license plates matapos ‘upuan’ at hindi aksiyonan ang tatlong desisyon ng Korte Suprema na nagsabing legal at konstitusyonal ang motor vehicle licensing program ng Land Transportation Office (LTO).

Dahilan sa kawalan ng aksiyon ng COA, nababalam ang mahigit 10 milyong motorista na hanggang ngayon ay walang license plates.

Sa panayam kay Atty. Patrick Penachos, abogado ng JKG-Power plates, ang nanalong supplier sa programa, noon pang 14 Hunyo 2016, nag-isyu ng paborableng desisyon ang Korte Suprema na nagsabing legal at konstitusyonal ang programa.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Lucas Bersamin noong 14 Hunyo 2016, pinawalang bisa niya ang mga isyung bumalot sa kaso, kasama ang alegasyong hindi kasama sa 2014 National Budget na isinumite ng DoTC noon.

Sapat aniya ang pruweba na walang anomalyang ginawa ang DoTC sa pamumuno ni dating kalihim Joseph Abaya.

Nasasaad mismo sa mga dokumentong isinumite ng DoTC sa Korte Suprema na ang dagdag badyet sa programa ay legal at dumaan sa proseso ng lehislatura.

Ayon sa court records, may alegasyong wala umanong isinumiteng badyet sa Kongreso ang programa at tanging P2.3 bilyon lamang ang nailaan para rito.

Ngunit sa isang liham na isinumite ni Abaya kay dating Budget secretary Butch Abad noong Setyembre 2013, humiling siya nang dagdag na alokasyong P2.4 bilyon bilang kompletong pampondo sa nasabing programa.

Hindi aniya maituturing na ilegal ang ginawang yaon ni Abaya sapagkat naisumite ang 2014 pambansang badyet bago ang implementasyon ng programa noong Pebrero 2015.

Sa pagtataya ng Korte Suprema, dumaan aniya sa konstitusyonal na pamamaraan ang badyet ng LTO-DoTC.

Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema, nananatiling tuod at hindi umaaksiyon ang COA.

Batay sa isinasaad ng Konstitusyon, anomang desisyong inisyu ng Kataas-taasang Hukuman ay bahagi na ng batas ng Filipinas, at anomang hindi pagsunod dito ay masasabing paglabag sa batas.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *