Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
money thief

P1-M alahas, cash muntik matangay ng kasambahay

HALOS P1 milyong halaga ng mga alahas at salapi ang muntik matangay ng isang kasambahay na isang linggo pa lamang naninilbihan sa kanyang amo, sa Malabon City, kamakalawa ng madaling-araw.

Bitbit ng suspek na si Judy Ann Duero, 21, tubong Harangan, Montalban, Rizal, ang isang digital na kaha-de-yero at palabas ng gate ng Araneta University Village sa Brgy. Potrero dakong 2:50 am nang sitahin ng nakatalagang security officer ng subdivision.

Lumabas sa imbestigasyon nina PO2 Virgilio Agustin at PO2 Jose Romeo Germinal ng Malabon Police Theft and Robbery Section, na nagsimulang magtrabaho bilang kasambahay ang suspek sa pamilya ng biktimang si Helem Tam, 48, residente sa 34 Rosal St., Araneta University Village, merchandizing manager ng Hyper Home Corporation, noong 23 Marso ng kasalukuyang taon.

Nakuha agad ng suspek ang tiwala ng pamilya dahil sa maayos at masipag na paglilingkod.

Nabatid ng biktima ang pagtangay ng kasambahay sa kanyang digital vault nang tawagan siya ng security officer sa Gate 1 ng Araneta University Village na si Gloria Vida upang ipa-alam na sinita nila ang suspek habang palabas bitbit ang vault na ibinalot sa berdeng mantel.

Napag-alaman mula kay S/Insp. Christopher Millares, duty officer, na may kasabwat ang suspek sa tangkang pagtangay ng vault dahil may nakitang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo sa labas ng gate ng naturang subdivision ngunit mabilis na humarurot paalis nang makitang sinita ng mga guwardiya ang kasambahay.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …