Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Wig protest’ pinagbibitiw si Aguirre

SUOT ang makukulay na wigs, nagpiket ang mga miyembro ng Akbayan party-list sa harap ng tanggapan ng Department of Justice kahapon, upang ipanawagan ang pagbibitiw ni Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ang panawagan ay isinagawa ng grupo kasunod ng pagbasura ng DOJ sa drug charges laban sa hinihinalang big time drug lord na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pa,

gayondin ang provisional admission kay ‘pork barrel’ scam mastermind Janet Lim Napoles sa Witness Protection Program (WPP).

Kasabay nito, binatikos ng grupo si Aguirre hinggil sa umano’y “fake charges” laban sa oposisyon.

Nitong nakaraang linggo, sinampahan ng public prosecutors ang isa sa mga kritiko ng administrasyong Duterte, na si Senador Antonio Trillanes, ng kasong inciting to sedition.

“Secretary Aguirre is a coddler of dictators, drug lords and scammers. In a week, he freed confessed drug lords Espinosa and Lim and then gave witness protection to big time pork barrel scammer Janet Lim Napoles… Aguirre is on a roll with giving injustices a free pass. While criminals are free to go under his nose, the DOJ has been slapping fake cases against the opposition for exposing their incompetence,” pahayag ni Shamah Bulangis.

Ilang mambabataas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang nananawagan din sa pagbibitiw sa puwesto ng kalihim.

Habang ilang senador ang binatikos si Aguirre dahil sa pagbasura sa drug charges laban sa hinihinalang drug lords, gayondin ang pagtanggap kay Napoles sa WPP.

Anila, may posibilidad na gamitin bilang ‘armas’ ng gobyerno si Napoles laban sa political opposition.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …