Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza at Enrique, exclusive na sa isa’t isa; Darna, nagsu-shoot na

SA wakas, umamin na rin sina Enrique Gil at Liza Soberano na ‘sila’ na at wala nga lang petsa kung kailan.

Pagkatapos ng presscon ng Bagani kahapon ay tinanong ang LizQuen kung ano ang real score nila dahil sinabi ni Enrique sa Q and A na ‘taken’ na lahat ang cast ng programa.

Bagama’t matagal ng duda na may relasyon na ang LizQuen ay iba pa rin siyempre na sa mismong bibig nila nanggaling na sila na.

Pahayag ni Lakas (karakter ni Enrique sa Bagani), ”I’ve always say this before pa na siya (Liza) lang, walang iba, siya lang ang babae talaga for me.”

Sagot naman ni Ganda (karakter ni Liza), ”exclusive! For me, he is the perfect guy! And he’s someone who is always there for me, always there for me.”

Anong petsa naging sila, ”huh?, wala pang date,” say ng dalaga

Napansing komportableng pag-usapan na nina Liza at Enrique ang tungkol sa relasyon nila na rati ay ilang na ilang pa, ”nagma-mature na po kami.”

At siguro kaya umamin na si Liza ay dahil natupad na niya ang pangako niya sa manager niyang si Ogie Diaz at sa magulang niya na bago siya mag-boyfriend ay bibilhan niya ng tig-isang bahay at sasakyan ang magulang niya bukod pa sa sarili rin niyang bahay at sasakyan.

Samantala, tuloy ang pelikulang Darna at hindi totoong shelved na dahil ayon kay Liza ay kasalukuyan siyang nagso-shooting.

Wala pang leading man na napipili para kay Liza sa Darna dahil, ”actually wala pa pong final, nagka-casting pa lang sila.”

At inamin namang isa si Tony Labrusca sa nabanggit na posibleng makasama niya sa Darna, ”I think yes, he’s one of the options po,” say ng dalaga.

Okay lang ba na hindi si Enrique ang leading man niya sa Darna”Yes, we have our respective projects and it’s also good that not on our separate ways but we have our own work din para mag-grow kami and we get to work with different actors as well.”

Maging kay Enrique ay okay lang na hindi siya ang leading man, ”okay lang po sa akin at sinabi ko po before kung ano ang project na gagawin niya, lalo na sa ‘Darna’, I will support her.”

Anyway, hindi bumababa ng 30% ang ratings ng Bagani simula ng magsimula nitong Marso 5 kaya nagkaroon ng thanksgiving mass kahapon ang buong team pagkatapos ng presscon.

 FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …