Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jameson Blake Bugoy Cariño

Jameson, kaliwa’t kanan ang project; Bugoy, naka-indefinite leave?

NATUTULOG pa ba si Jameson Blake? Kaya namin naitanong ito ay dahil kaliwa’t kanan ang mga ginagawa niyang pelikula bukod pa sa TV projects.

Base sa pagkakaalam namin, tatlong indie projects ang offers sa kanya at pareho niyang gustong gawin kaya ginagawan niya ito ng paraan para ma-accommodate.

Aminado naman ang aktor na strike when the iron is hot dahil hindi naman kasi araw-araw ay may ganitong offers sa kanya.

Kaya deadma sa lovelife ngayon ang binata dahil mas prioridad niya ang trabaho dahil bread-winner siya at naniniwala siyang darating din ang tamang babae para sa kanya.

Samantala, nag-react ang katsikahan naming TV executive na kinompirma ni Jameson na naka-indefinite suspension ang ka-grupo niyang Hashtags na sina Bugoy Carino at Jon Lucas sa balitang  umano’y nakabuntis ng kanilang girlfriend.

Maraming nagsulat na ng isyung ito thru blind item at ‘yung iba ay pinangalanan na pero walang kompirmasyon mula sa ABS-CBN management kaya laking gulat ng kausap naming executive, ”bakit nauna pa siya sa management?”

Kamakailan naman ay nagsalita na ang girlfriend ni Bugoy na isang varsity player na hindi totoo ang tsismis at maging si Bugoy ay nagsabing natatawa na lang sila sa isyu.

As of this writing, wala kaming alam kung nagbigay na ng pahayag si Jon tungkol dito.

Going back to Jameson ay nagbase lang siya na hindi na lumalabas sa It’s Showtime sina Bugoy at Jon kaya niya nasabing suspendido sila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …