Tuesday , December 24 2024
Duterte Fred Lim
Duterte Fred Lim

Lim idinepensa si Duterte

IPINAGTANGGOL kahapon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim si Pangulong Rodrigo Duterte, na kanyang itinuturing na ‘longtime friend’ at kaalyansa, laban sa mga batikos na ibinabato ng human rights groups, partikular ng United Nations’ human rights chief.

Partikular na binatikos ni Lim ang naging pahayag umano ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad al-Hussein na si Duterte ay kailangan umanong isumite ang sarili “to some sort of psychiatric examination” dahil sa ginawa nitong pambabatikos sa UN special rapporteurs.

Ani Lim, ang mga pag-atake laban kay President Duterte ay maituturing din na isang uri ng pag-atake hindi lamang sa Office of the President kundi maging sa milyon-milyong Filipino na bumoto at patuloy na naniniwala kay Duterte, na alam ng sambayanang lumamang nang ubod nang laki sa kanyang mga naging katunggali sa pagka-Pangulo.

Naging biktima rin ng mga malisyosong pagbatikos at matinding kritisismo mula sa human rights groups  dahil sa kanyang kakaibang pamamaraan  sa gitna ng kanyang “no-nonsense campaign” laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at illegal drug activities sa kabuuan ng kanyang career bilang serbisyo-publiko sa loob ng maraming dekada, sinabi ni Lim na nauunawaan niya nang buong-buo kung saan nanggagaling si President Duterte.

Maliwanag umano na ang mga taga-UN ay nililimitahan ang kanilang mga nai-interview sa mga taong galit o kalaban ng administrasyon ni President Duterte at hindi nila lubos na nalalaman ang kabuang sitwasyon ng ‘human rights’ sa bansa, na ang mga inosenteng sibilyan ay nagiging biktima ng iba’t ibang uri ng krimen na isinasagawa kadalasan ng mga talamak sa ilegal na droga, mula sa simpleng holdup patungo ng robbery, rape, murder o kung minsan ay kombinasyon pa ng iba’t ibang krimen.

“Marahil dapat subukan isa-isa ng UN officials na maglakad sa mga kalsada ng Maynila sa gabi nang mag-isa at ‘di nagpapakilala at tingnan nila kung ano ang mangyayari sa kanila. Magsuot sila ng alahas at gumamit ng cellphone habang naglalakad,” ani Lim, bagama’t pinuri ang Philippine National Police (PNP) dahil ginagawa umano nito ang lahat para masawata ang mga krimen sa bansa.

Ani Lim, pinaninindigan niya ang kanyang mga naging pahayag sa media noon pang  2015 na ginarantiyahan niya na hindi lamang sa salita matikas ang paninindigan ng noon ay mayor pa lamang na si Duterte pagdating sa krimen, dahil kilala niya ito at alam niyang may kakayahan na tapusin ang krimen, gayondin  ang kanyang tinuran bago pa ang 2015 na kung may 20 Duterte lamang sa gobyerno ay magiging maganda ang kalagayan ng Filipinas.’

Ayon kay Lim, na naging magiliw kay  Duterte mula nang sila ay magkasama sa mayors’ league nang si Lim ay alkalde sa Maynila at si Duterte naman ay mayor ng Davao, suportado din niya ang ginawang hakbang ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano nang umangal sa aniya ay  “irresponsible and disrespectful comments” na ginawa ni Zeid lanan kay  President Duterte, kasabay ng babala na maaaring magdala ng mapanganib na panimula ang ganitong pagbatikos sa isang lehitimong gobyerno.

Batay umano sa kanyang napakahabang karanasan sa mga lumalabag sa batas, sinabi ni Lim na ang ‘human rights’ ang palagiang paboritong  ‘shield’  o panangga ng mga kriminal sa kanilang tangkang itali ang mga kamay ng mga nagpapatupad ng batas na nanumpang protektahan ang mga inosente at masunurin sa batas na mga sibilyan laban sa mga kriminal.

Kinuwestiyon din ni Lim kung bakit tahimik ang UN ukol sa isyu ng nakahihindik na laki ng bilang ng mga drug addict sa bansa na biktima ng druglords at gayondin, sa isyu ng maraming bilang ng ‘sensational” at karumal-dumal na krimen na naganap at patuloy na nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kagagawan ng mga taong lango sa ipinagbabawal na gamot.

Ani Lim, sa halip na batikusin ay dapat pang pasalamatan si Duterte, dahil sa  pagpapakita ng matindi at seryosong kagustuhan na mawala ang illegal drugs sa bansa, na maituturing na ugat ng halos lahat ng matitindi at karumal-dumal na krimen sa Filipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *