Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Regulasyon ng HOA dues & fees sapol sa ordinansa ni Mayor Edwin Olivarez

ISA tayo sa mga natuwa sa nilagdaang City Ordinance ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kaugnay ng napakaraming bayarin sa iba’t ibang homeowners associations (HOAs) sa iba’t ibang subdibisyon na nasa loob ng lungsod.

Tinawag na “An Ordinance Regulating the Imposition of Dues and Fees by the Homeowners’ Association/Federation of Homeowners’ Association within the Territorial Jurisdiction of the City of Paranaque” na nag-uutos na i-regulate at masinsing subaybayan ang mga nabanggit na bayarin na tinutukoy sa ordinansa.

Ang City Ordinance Number 18-01 (Series of 2017) ay nilagdaan ni Mayor Olivarez noong 27 Enero 2018.

Isa rito ang Section 2 na nagsasabing ang mga bayarin na ipinapatupad ng HOA ay kailangang aprobado ng kaukulang homeowners at ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) alinsundo sa item letter H sa Section 20 ng Republic Act Number 9904.

Kaugnay naman ng mga bayarin (fees), na tinutukoy sa item number 7.3 (Section 7 – Special Assessments) para sa Vehicular Stickers at ang kaukulang presyo, itinakda na: Non-residents may be assessed a higher amount due to the higher costs of maintaining the registry/records and administration, which ought not, however, exceed twice the value of stickers issued to residents of the subdivision or condominium.

Sa Section 10 (Proscribed Acts), hindi na pinapayagan ang pagpapaiwan ng lisensiya ng mga driver ng mga sasakyang pumapasok sa subdibisyon o condominium, dahil ang asosasyon ay hindi awtorisadong gawin ito sa ilalim ng batas trapiko. Walang karapatan ang mga asosasyon na isai­lalim sa kanilang kustodiya ang iniisyung lisensiya ng Land Transportation Office (LTO)  kahit pansamantala lamang.

Hindi na rin ganoon kadaling magtakda ng paniningil ng parking fees, usage fees at iba pang kagayang bayarin sa paggamit ng kalsada o kalye na nasasakop ng asosasyon maliban kung makatutulong para hindi magkaroon ng sagabal sa daanan.

Kung kayo ay taga-Parañaque, maiintindihan ninyo si Mayor Olivarez at matutuwa kayo.

Sa dami kasi ng magkakadikit at magka­kadugsong na subdibisyon sa lungsod, ang ginagawa ng bawat HOA, lahat ng dumaraan sa kanilang sasakyan ay hinihingian ng kaukulang bayarin para madikitan ng sticker ang kanilang mga sasakyan.

Bawat gate na daraanan, magbabayad para makabitan ng sticker. Hindi naman siguro masama ‘yung sticker. Ang nakabibigat ay ‘yung maraming bayarin para sa sticker nang sa gayon ay magaan na makapasok sa subdibisyon na madaraanan bago sa uuwiang subdibisyon.

Ngayong klaro na ang City Ordinance na nilagdaan ni Mayor Olivarez, umaasa kaming mga taga-Parañaque na maipapatupad agad ang ordinansang ito.

Kudos Mayor Edwin Olivarez!

TEACHERS SINISI
NI SEN. MANNY
PACMAN SA KAPOS
NA PATRIOTISMO
NG MGA KABATAAN

MARAMING kabataan daw sa kasalukuyan ang hindi makabayan (patriotic) sabi ni Senator Manny Pacquiao.

At kasunod niyan ay sinisi niya ang mga guro na hindi nagtuturo nang tama kaya hindi umano nagiging makabayan ang mga kabataan.

Kaya maghahain umano siya ng bill na magdadagdag ng kurikulum o asignatura ukol sa patriotism.

Pero hindi naging positibo ang pagtanggap dito ng mga miyembro ng Teachers Dignity Coa­lition (TDC) sa pangunguna ni Benjo Basas.

Hindi lang daw mga guro ang may responsibilidad sa paghubog sa mga kabataan para maging makabayan. Dapat daw buong komunidad. At higit sa  lahat, dapat maging ehemplo ang mga opisyal ng pamahalaan.

May punto si Sir!

Pero siyempre, sila ang katuwang ng magulang sa early stages ng pag-aaral ng mga bata ukol sa kasaysayan ng Filipinas.

Sa pag-aaral sa kasaysayan ng Filipinas umuusbong ang pagiging makabayan ng isang mamamayan.

Kaya Mr. TDC boss, Benjo Basa, parents, Se­nator Manny Pacman at iba pang opisyal ng pamahalaan, huwag magturu-turuan dahil lahat tayo ay may responsibilidad para turuan at maigiya ang mga kabataan tungo sa patriotismo.

Mula sa tahanan, sa paaralan hanggang sa mga opisyal ng pamahalaan, dapat na doon umusbong ang pagiging makabayan ng mga kabataan — ang pag-asa ng bayan.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *