Sunday , April 13 2025

Major transition ng airlines sa NAIA terminals sinimulan na

INUMPISAHAN ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA). ang pakikipagpulong para sa mga local at foreign airlines upang maayos ang paglilipat ng kanilang mga tanggapan sa terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal, sinimulan nila ang transition nitong 1 Marso, para sa paglilipat ng ibang mga airlines patungo sa Terminal 1, 2 at 3.

Layunin nitong maibsan at maiwasan ang congestion sa mga terminal.

Sinabi ni Media Affairs chief, Jess Martinez, ang matitira na lamang sa NAIA terminal 1, ay limang international airlines na ookupa rito, kinabibilangan ng Thai Airway, Saudia Airways, Japan Airlines, Etihad Airlines at lahat ng mga international flights ng Philippine Airlines.

Ang ibang airlines na dating nasa NAIA terminal 1, ay lilipat sa NAIA terminal 3. Ito ay China Southern, China Airlines, China Eastern,  Xiamen Airlines, Oman Airlines, Eva Air, Kuwait Airlines, Jetstar, Gulf Airlines, Korean Airlines, Asiana Airlines, Qantas Air, Malaysian Airlines, Qatar Airlines, Royal Brunei Airlines, Tiger Air, Jeju Airlines, Air Niugini at Air China.

Ayon kay Martinez, mula sa 45 days na palugit para sa paglilipat ng mga airlines sa mga bago nilang tanggapan ay binigyan pa sila hanggang anim na buwan para maayos ang paglilipatan nila.

Ang NAIA terminal 2, ay gagawin na lamang Domestic terminal at ang Cebu Pacific Domestic  flight, na nasa NAIA terminal 3, ay lilipat na sa NAIA Terminal 2.

Ang mga domestic flights ng mga eroplano ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ay magsasama sa NAIA 2 para sa kanilang  operations.

Samantala, ang NAIA terminal 4 o ang  old domestic terminal, ay mananatili pa rin doon ang mga domesitc airlines ng  Air Asia at CebGo at hindi na ito gagalawin pa.

Sinabi ni Monreal, inaasahang matatapos ang transition sa Agosto ng taong kasalukuyan. (JSY)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *