Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kahalagahan ng kababaihan

WOMEN’S month ngayong Marso. Ibig sabihin, dapat kilalanin natin ngayong buwan ang tunay na kahalagahan ng ating mga kababaihan, nasa loob man si­ya ng tahanan, eskuwelahan, trabaho, tanggapan ng gobyerno, kalye, at kahit saang lugar na may mga kababaihan.

Napakahalaga ng pagkakataong ito para kilalanin natin ang kanilang ginagampanang papel sa lipunan.

Makabubuting bigyang panahon natin na suriin kung gaano ba talaga kalaki at kahalaga ang papel ng ating mga kababaihan sa kasalukuyang pamahalaan.

Ang unang tanong ay kung may pagpapahalaga ba o pagkilala ba talaga ang kasalukuyang pamahalaan sa mga kababaihan?

Bakit kaya hindi natin pagtuunan ng pansin ang mga isyu ng mga kababaihan, at timbangin natin kung ano-ano nga ba ang mga konkretong aksiyon ang ginagawa ng pamahalaan para higit na maisulong ang kanilang karapatan at kapakanan.

Sa ngayon, masasabi ba natin na pantay ang turing ng ating lipunan sa ating mga kababaihan, lalo pa’t meron tayong pa­ngulo na lagi na lang binabatikos dahil sa hindi magandang pagtrato sa mga kababaihan?

Panahon na para sabay-sabay at magsama-sama ang bawat kababaihan, mapa-oposisyon man o sa administrasyon, upang maipasapol at hikayatin ang kasalukuyang gobyerno na bigyan ng maayos na pagtrato ang bawat kababaihan na nasa lahat ng sektor ng lipunan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …