Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Robredo magtatayo ng transitional shelters para sa Marawi evacuees (Piso Para sa Laban ni Leni gagamitin)

NAKATAKDANG magpatayo ang opisina ni Vice President Leni Robredo ng isang transitionary village para sa mga pamilyang kinailangang lumikas mula sa Marawi dahil sa bakbakan sanhi ng pag-atake ng Maute terror group sa siyudad.

Pinangunahan ni Robredo ang isang groundbreaking ceremony nitong Martes sa Area 7 ng Barangay Sagonsongan sa Marawi, pagtatayuan ng Angat Buhay Village. Magkakaroon ang nasabing site ng 60 transitionary shelter units, na inaasahang makokompleto sa Hunyo ng taong ito.

Ang proyekto ay bahagi ng early recovery interventions ng Office of the Vice President sa Marawi. Ipapatupad ito sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng lungsod at ng Xavier University-Ateneo de Cagayan, na magbabantay sa pagpapatayo ng mga unit, gayundin sa social preparation para sa mga benepisyado.)

Popondohan ang mga mauunang transition shelters gamit ang perang nalikom sa “Piso Para sa Laban ni Leni”—isang proyektong nakakalap ng P7.4 milyon, na gagamitin sana para tulungan ang Bise Presidente na bayaran ang cash deposit para sa electoral protest sa Presidential Electoral Tribunal.

Matatandaang ti­nang­gihan ng PET ang petisyon ng grupong nagpasimula ng nasabing kampanya.

Ayon sa grupo, umabot sa 25,000 ordinaryong Filipino ang nagpaabot ng tulong sa inisiyatibang ito.

Bukod dito, marami rin grupo ang nagpaabot ng tulong sa pagpapagawa ng nasabing village, kasama na ang regional government ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at iba pang private partners ng OVP.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …