Saturday , November 23 2024
Maynilad MWSS Plant for Life
Maynilad MWSS Plant for Life

Maynilad nagtanim ng 130,000 puno noong 2017 (Sa “Plant for Life” program)

NAGTANIM ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng kabuuang 130,000 punongkahoy noong 2017 bilang bahagi ng kanilang “Plant for Life” program, naglalayong sagipin ang mahalagang watersheds mula sa pagkasira.

Isinagawa rin bilang suporta sa “Annual Million Tree Challenge” ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, ang “Plant for Life” program ay kaugnay sa paghihikayat ng mga volunteer para sa pagsasagawa ng reforestation at afforestation o pagtatanim ng mga puno at halaman, upang maibalik sa dati ang nasirang kagubatan.

Noon lamang 2017, mahigit 1,463 volunteers mula sa Maynila at partner organizations ang nagtanim ng kabuuang 116,000 indigenous trees sa Ipo Watershed sa Bulacan; 2,000 saplings sa Muntinlupa; at 12,000 mangrove propagules sa Manila Bay coastline sa Cavite Province.

“Our ‘Plant for Life’ Program seeks to protect forest cover so that the watersheds, which sustain our water supply needs, will stay healthy and balanced. This year, we’re looking into expanding the program’s coverage to other areas, particularly in Malabon City where we target to plant about 50,000 mangrove propagules,” pahayag ni Maynilad President and CEO Ramoncito S. Fernandez.

Magmula nang simulan ang nasabing programa noong 2007, ang Maynila ay nakapagtanim nang mahigit 436,000 saplings — gamit ang indigenous trees katulad ng narra, cupang, camachile, at acacia — sa Ipo Watershed. Gayondin, kabuuang 107,500 mangrove propagules ang itinanim sa Cavite coastal areas simula noong 2013.

Ang “Plant for Life” program ng Maynila ay bukas sa mga volunteer na nagnanais magtanim ng mga puno sa nasabing watershed areas. Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa Environmental Management Department ng kompanya sa 981-3484 para magtanong hinggil sa itinakdang mga petsa at mga kailangan.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *