Tuesday , December 24 2024

Divorce bill aprobado (Sa House Panel)

GUMAWA ng kasaysayan ang House of Representatives Committee on Po­pulation and Family Relations nang isumite ang divorce bill para sa plenary deliberation sa unang pagkakataon.

Inaprobahan ng komite ang substitute bill na nag-consolidate sa lahat ng mga panukala na naglalayong i-legalize ang diborsiyo at paglusaw sa kasal.

Inaprobahan ng komite ang substitute bill makaraang ay i-transmit ng techical working group, sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lag­man, may akda rin ng Reproductive Health Law sa 15th Congress.

“You recall ‘yung reproductive health bill, gusto nila palitan ng res-ponsible parenthood. We married the 2 proposals and now it’s known as the Reproductive Health and Responsible Parenthood law,” aniya.

Sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Emmy de Jesus, iginiit nila ang paggamit ng salitang “divorce” sa gitna ng pangamba ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaring may mga sektor na tututol sa nasabing salita.

“Technically naman talaga, ‘yung konsepto ng diborsiyo, nagpapawala ng bisa ng kasal pero ang paggamit ng salitang divorce ay isang pag-aangat din ng kamalayan ng publiko na tanggapin na ‘yung salitang divorce,” aniya.

Habang paliwanag ni Lagman, ang isa pang isinama sa panukala ay opsiyon ng pagbabayad ng alimony nang isang beses o periodically.

“Most probably, this would depend on the means of the spouse who’s supposed to give alimony and also the needs of the recipient,” aniya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *