Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Hanggang kailan ang OFW deployment ban sa Kuwait?

ISANG Administrative Order ang ipinalabas ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nag-uutos na muling ipatupad ang “total ban” sa deployment ng overseas Filipino workers  (OFWs) sa Kuwait.

Ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte matapos mabuyangyang ang sunod-sunod na reklamo tungkol sa naaabusong Pinay sa naturang bansa.

Pinakahuli ang natagpuang Pinay sa freezer na napatay sa bugbog ng kanyang amo.

Siguradong marami sa ating mga kababayan ang maaapektohan. Halos libo rin ang bilang ng mga Pinoy na umaasa sa katas ng kita sa bansang Kuwait.

Alam naman natin na isa ang Kuwait sa mga bansa sa Gitnang Sila­ngan na nakapagbibigay ng mas mataas na sahod kompara sa Saudi Arabia, Qatar at iba pang mga bansa na langis ang pangunahing nagpapaikot ng ekonomiya.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni POD Chief Marc Red Mariñas sa kanyang mga nasasakupan na ipatupad ang naturang Administrative Order.

BAKIT UNTOUCHABLE
ANG TYCOON
KTV CLUB SA BI?

NITONG nakaraan ay uminit ang issue tungkol sa “Tycoon KTV CLUB” diyan sa Aseana Macapagal Boulevard.

Trending ang nasabing club dahil sa mga Chinese prostitute na kunwari’y costumer ng club. Kasama raw kasi sa mga “tongpats” o protector nito ay ilang taga-BI bukod pa sa mga ‘lespu’ at taga-NBI.

Medyo matagal na umanong namamayagpag ang nasabing KTV club at hindi nare-raid kailanman dahil ilang mga opisyal ng gobyerno ang sinasandalan nito.

Ang isang nakapagtataka ay kung bakit sandamakmak ang mga babaeng singkit ga­ling China na malayang nakapagtatrabaho rito?

Ano bang klaseng visa ang hawak nila? Sila ba ay may special work permit kaya o 9g galing sa Bureau of Immigration?

Nakapagtataka talaga na sila ay malayang nakapagtatrabaho at para bang hindi alintana na sila ay puwedeng hulihin ano mang oras?

Noon kasi, sa Binondo ay naglipana rin ang ganitong klaseng mga “pokpok Tsina!”

Nagkalat sila noon diyan sa lahat ng pa­lapag ng “Fortune Hotel” at ibang hotel sa Chinatown.

Makailang beses ni-raid ang naturang establisimiyento kaya naman naging busy noong mga panahong ‘yun ang tandem ng dakilang Immigration fixers na sina Betty Chowchow at Anna Sey-mo?!

E dito kaya sa Tycoon KTV club kung saka­ling i-raid ng mga pulis at mga taga-BI, lulu­tang kaya ang mga tongpats nila sa BI?

Ating abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *