Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Suporta kay SAP Bong Go sa Senado todo puwersa

MUNTIK nang maubos ang tao sa Malacañang nang humugos sa Senado para suportahan si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go kaugnay ng imbestigasyon sa frigate deal.

Todo puwersa at todong suporta ang ipinakita ng mayorya ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagharap ni Secretary Bong Go sa pagdinig sa P15.7-B frigate deal ng Philippine Navy.

Siyempre, handang-handa si Presidential Spokesman Harry Roque. Aniya, boluntaryo ang kanilang pagpunta sa Senado. Ito umano ay pagpapakita ng kanilang todong suporta kay SAP at hindi sila inutusan ng Pangulo.

Sabi pa niya, “Talagang voluntary naman kaming nagpunta. Sa amin po, lalo na ‘yung taga-Malacañang na colleagues ni SAP Go, importante po ‘yun na nalinis ang pangalan niya.”

Kitang-kita nga, kung baga sa choir, in unison sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Cabinet Se­c-retary Leoncio Evasco, Jr., Communications Se­c-retary Martin Andanar, Solicitor General Jose Calida, PAGCOR chairman Andrea Domingo, Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, at Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Bukod riyan, mayroon pang mga nagra-rally sa Senado in support kay SAP Go.

Naniniwala daw kasi sila na fake news ang pagdadawit kay Go sa frigate deal at mismong ang nasibak na Flag Officer in Command ng Navy na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang nagkompirma na ni minsan ay hindi nakialam ang SAP sa pagbili ng navy frigates.

Ibig sabihin bigo na naman ang mga ‘people power movers’ para ikawing ang frigate deal sa plano nilang EDSA anniversary?!

E sabi nga ng Palasyo: “Suntok sa buwan!”

WAITING PA RIN
SA OT PAY

MARAMING nagtatanong sa Bureau of Immigration (BI) kung kailan daw ba talaga ipa­tutupad ang pagbibigay ng overtime pay na manggaga-ling sa koleksiyon ng Express Lane Fund?

Hanggang ngayon kasi ay marami pang haka-haka kung talagang plantsado na ba ang lumabas na guidelines tungkol sa OT.

Halos lahat ay umaasa na sa lalong mada­ling panahon ay makatatanggap na ang mga empleyado ng nasabing biyaya.

Sandamakmak kasi sa kanila ay agad naglakas-loob na ipangutang ang tatanggapin para makapag-agdong sa gastos nitong nagdaang kapaskuhan.

Sa totoo lang, medyo nagkaroon pa nga ng panic mode ang ilang empleyado nang napabalitang muling hinarang ni DBM Secretary Ben ‘joke-no’ ‘este Diokno ang paglalagak ng Express Lane Fund (ELF) para sa aprobadong OT.

Isang “trust fund” mula sa ELF ang bubuuin upang ito ang pagkuhaan ng OT na ilalaan sa mga kawani ng ahensiya.

Ngunit dahil napabalita nga na muli itong pinalagan ni Joker ‘este Diokno kaya agad sumag­sag papuntang Davao si BI-Deputy Commissioner Aimee Torrefranca-Neri upang hu-mingi muli ng audience sa Presidente.

Well, sana naman ay hindi totoo ang naiulat na “move” ni Diokno, kundi ay mapupunta sa wala ang pinaghirapan nina SOJ Vitaliano Aguirre pati na ng kampo ni BI-Commissioner Jaime Morente!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *