IBINAWAL ng Sport Vlaanderen, isang sports agency sa Belgium, ang pagkakaroon ng mahahabang balbas ng mga atleta sa cycling o namimisikleta para sa “estetika” o pang-itsurang layunin.
Ito’y ayon sa mga pahayag ng direktor ng koponan sa Belga news agency.
Ayon kay Walter Planckaert, ipinatupad ang alituntunin upang mapanatili ang “elegance” o kakisigan ng larong cycling o pami-misikleta.
Hindi umano malinis tingnan sa isang siklista ang pagkakaroon ng mahabang balbas na kinakapitan ng kulangot, uhog o maliliit na tirang pagkain.
Habang pinayagan ang mga bigoteng maninipis para sa mga manlalaro mula sa second-tier professional continental team.
Inabisohan ni Planckaert ang mga ayaw sumunod sa bagong patakaran na lumipat na lang sa ibang sports team.
(Agence France-Presse)