Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Hindi pagkain ng tao ang NFA rice

KUNG tutuusin, halos wala naman talagang NFA rice na makikita sa mga pamilihan o sa mga palengke. Walang katotohanan ang mga paha­yag ni Jaime Magbanua, presidente ng Grains Retailers’ Confederation of the Philippines na kung tuluyang mawawalan ng suplay ng NFA rice ay tataas na naman ang presyo ng mga commercial rice.

Walang lohika ang pahayag nitong si Magbanua dahil matagal nang walang bumibili ng NFA rice at bibihira itong makita sa mga pamilihan. Ang NFA rice ay hindi pagkain ng tao!  Bukod sa amoy ipis, maraming hanip at bukbukin ang NFA rice.

Ang mahihirap nating mga kababayan ay nagtitiis na bumili ng commercial rice sa halagang P38 hanggang P40 kada kilo, at kailan man ay hindi nila makakayanang kainin ang NFA rice. Ultimo mga kulisap at insekto ay tinatanggihan ang NFA rice.

At kahit umikot pa si Magbanua pati na si Cabinet Secretary Leoncio Evasco, chair ng NFA Council,  NFA chief Jayson Aquino, at maging si Agriculture Secretary Manny Piñol, mahihirapan silang makakita ng NFA rice na ipinagbibili sa mga palengke.  Kung meron mang NFA rice tiyak na kontrolado ito ng mga bigtime dealers at smugglers.

Meron talagang kumokontrol sa NFA rice, at kung meron man itong suplay tiyak na kakaunti lamang ang ibabahagi nito sa merkado dahil ang ilang mga tiwaling rice dealers ay inihahalo sa mababang uri ng bigas na ipinagbibili bilang mga commercial rice.

Ang mga commercial rice na mabibili sa P38 hanggang P40 ang sinasabing hinahaluan ng NFA rice kaya talagang magkakaubusan ng murang bigas na dapat ay mabibili lamang sa halagang P27 per kilo.  Ang problema kasi kina Evasco, Aquino at Piñol, nagbubulag-bulagan sila sa nagdudumilat na katotohanan na hanggang nga­yon ay kontrolado ng sindikato ang NFA rice pati na rin ang commercial rice sa bansa.

Tama ang ginagawa ng Senado na ituloy ang imbestigasyon sa sinasabing rice shortage dahil kung tutuusin wala naman talaga itong katotohahan at palutang lang ng rice cartel para makontrol nila ang presyohan at bentahan ng bigas at tumubo nang malaki sa gagawing price increase ng bigas.

Sana nga lang, mayroong maayos na kala­labasan ang Senate investigation dahil kung tutuusin taongbayan ang talo sa pagtataas ng pres­yo ng bigas. Walang magagawa ang mamimili kung magtataas ng presyo ang bigas dahil kai­langan nila ito at kahit walang ulam sa hapag kainan kakayanin ito basta mayroong kanin na makakain.

Ang problema sa bigas, lalo na ang pagkontrol dito ng mga smuggler at bigtime dealers ay matagal nang umiiral bansa. Sa ginagawa nga-yon ng Senado, sana lang ay magkaroon ito ng matinong resulta at magkaroon ng tunay na kalutasan ang hindi mamamatay-matay na isyu sa rice monopoly.

Mabigat ang problema sa usapin ng bigas, sana lang, si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ang makialam dito para tuluyang malutas ang problema.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *