NILINAW ni promoter Bob Arum sa BoxingScene.com noong Martes na ang sagupaang Terence Crawford-Jeff Horn at Manny Pacquiao-Mike Alvarado ay hindi mangyayari sa Madison Square Garden, sa halip ay magaganap iyon sa Las Vegas.
Dagdag ni Arum na posibleng isa sa pag-aari ng MGM Resorts International gawin ang laban. Kung sakaling mangyari iyon ay malaki ang posibilidad na sa Mandalay Bay iyon gawin na kung saan ay at-home si Pacquiao na tuluyan.
Bagama’t gusto ni Arum na maganap ang labang iyon sa Madison Square Garden, okupado ang April 14 ng dalawang boxing cards sa nasabing petsa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com