Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pampa-beauty ni Belo hindi aprobado sa FDA?

NAKAGUGULAT ang lakas ng loob ng mga tao ni Dra. Belo sa isa sa kanyang klinika.

Hindi sila pumayag na mainspeksiyon ng mga operatiba ng Food and Drug Administration (FDA)  kahit may reklamo na nagbebenta sila ng mga hindi rehistradong gamot.

Nauna na palang iniutos ng FDA sa Belo Medical Group (BMG) na itigil ang pagbebenta ng 11 klase ng hindi rehistradong skin care products makaraang madiskubre ng FDA Regulations Enforcement Unit (REU) sa pangunguna ni ret. General Allen Bantolo sa ikinasang surveillance at test buy operations na may paglabag sila.

Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, nahaharap din sa kasong contempt at obstruction of justice ang ilang tauhan at emple­yado ng sikat na skin care firm dahil tumanggi silang magpa-inspeksiyon sa ahensiya.

Tinukoy ni REU chief, ret. General Allen Bantolo, ang mga cosmetic and drug products na ipinagbawal ng FDA na ibenta ng BMG ay ZO Me­dical by Zein Obagi, MD Glycogent Exfoliation accelerator 10% concentration, ZO Medical by Zein Obagi Foamaclense Gentle Foaming clean­ser for all types, ZO Medical by Zein Obagi Oclipse Sunscreen Primer SPF 30 Protection, BELO Illuminating Cream Alpga Arbutin+Liqurice and Belo Prescriptives Keralyt-2 Cream.

Nabatid sa inilabas na ulat ng FDA, may ilan pang ‘di-rehistradong produkto ang BMG na hindi maaaring ibenta sa merkado katulad ng ZO Medical by Zein Obagi MD Melamix Skin Lighener & Blending creme Hydroquinone USP 4%, Zo Me­dical by Zein Obagi Melanin Skin Bleaching & Correcting Creme Hrmydroquinone USP 4%, Belo Prescriptive Acne Astringent, Belo Prescriptives Belo white, Belo Prescriptive DLC Peeling Creme at ZO Medical Zein Obagi MD Cebatrol.

Pero hindi umano sumagot ang BMG sa FDA makaraang tumanggi sa inspeksiyon.

Hindi natin akalain na ang isang kompanyang gaya ng BMG ay mayroong malalang paglabag sa FDA?!

Isa itong kompanya na mataas ang reputa­s-yon at marami ang nagtitiwala. Tapos ngayon, mabubunyag na hindi pala rehistrado sa FDA ang ginagamit nilang produkto para sa kanilang mga kliyente?

Wattafak!

Ang laki ng kinikita ng BMG. Alam ng lahat na kung walang kuwarta ang isang kliyente na gustong gumanda ay hindi sila puwede kay Dra. Belo.

Tapos hindi pala rehistrado sa FDA ang ilang produkto nila?! Paano ang seguridad ng mga nagtitiwala sa kanila kung hindi pala aprobado ng FDA ang mga produkto nila?!

Hindi ba’t nakatatakot ‘yan?!

Bakit?! Ayaw ba nilang magbayad sa ahensiya ng gobyerno?

Tsk tsk tsk…

Walang nagawa ang FDA kundi sampahan ng kaso ang BMG.

Hindi kaya madaan sa ‘mabyuting Belo’ ang kasong ‘yan?!

Aba’y nagtatanong lang po tayo, pakisagot na lang kung gusto ninyong maglinaw BMG clinic.

‘Yun lang po.

GOODBYE DEAN VALDEZ
& SOCIAL MEDIA EXPERT
JOSE GABRIEL LA VIÑA!

‘YUN na nga, nag-goodbye na sa Social Security System (SSS) sina Jose Gabriel M. La Viña at Amado D. Valdez bilang Commissioners.

Mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Dutertye na ang nagpasya.

“Now, let me announce too that the Executive Secretary has formally informed Mr. Jose Gabriel M. La Viña (Pompee), as well as Mr. Amado D. Valdez that their term of office, both of which expired 13 June 2017 as Commissioners of the SSS will not be renewed. The appointments of Mr. Jose Gabriel M. La Viña and Mr. Amado D. Valdez as Commissioners of SSS will not be renewed when they expire on 30 June 2017,”  pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Magugunitang si La Viña ay nagsilbing social media director ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections at kasalukuyang commissioner ng SSS Investment Oversight Committee habang si Valdez ang SSS chairman.

Kamakailan ay naggirian sa isyu ng insider trading sa stock market ang ilang opisyal ng SSS na ikinasibak ng ilang opisyal.

At nabuyangyang sa publiko na habang ngawngaw nang ngawngaw sila na malapit na raw maiga ang pension funds ay mayroon palang nagaganap na girian dahil sa insider tra­ding sa stock market.

Ang kakapal, ‘di ba naman?!

O paano ‘yan Dean Valdez, aabangan ka na lang namin ulit sa iyong radio program. ‘Yan naman ay kung wala kang naisubi?!

Sabi po ng SSS members, goodbye and good riddance!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *