Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan

DEL GALLEGO, Camarines Sur – Tatlong biktima ang patay habang 10 ang sugatan makaraan sumalpok ang isang bus sa puno sa gilid ng Andaya Highway sa bayang ito, nitong Sabado.

Ayon sa mga pasahero, mabilis ang takbo ng Fortune Star bus na may 57 pasahero nang mawa­lan ng kontrol ang driver pagdating sa Brgy. Sinukpin, 9:00 ng gabi.

Dahil dito, nahulog ang bus sa shoulder ng kalsada at nang sinubukang makabalik ay tumama ang likuran nito sa puno ng narra.

Nawasak ang likod ng sasakyan dahil sa lakas ng pagsalpok, ayon sa ulat ni SPO2 Pedro Adulta.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang isang babaeng pasahero. Habang sa ospital nalagutan ng hininga ang isang 5-buwan-gulang sanggol at kanyang ina.

Pito sa 11 nasugatan ang nananatili sa ospital, kabilang ang ama ng sanggol.

Kaugnay nito, tumangging magbigay ng pahayag ang 64-anyos bus driver na si Bernardo Paris. Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple serious physical injuries.

Samantala, nakiusap si Adulta sa Department of Public Works and Highways na ayusin ang aniya’y accident-prone na kalsada.

“Mas mataas ang kalsada kaysa sa shoulder ng mga 10 inches kaya once na mahulog, mahihirapan bumalik,” paliwanag ng pulis.

Galing sa Guian, Eastern Samar ang bus at papunta sa Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …