Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Asuntong Libel harassment sa tatlong beteranong mamamahayag sa Quezon

KAPAG hindi kayang patahimikin, asuntong Libel ang itatapat para makatikim ng hoyo.

Nagiging talamak na ang ganitong kalakaran.

Kapag hindi kayang patahimikin ang mga mamamahayag sa pagtuligsa sa katiwalian, Libel is the game.

Ang pinakahuling nakaranas nito ay tatlong beteranong mamamahayag na nakabase sa Quezon na sina Guillermo ‘Gemi’ Formaran ng Journal Group; Juanito ‘Johnny’ Glorioso ng dzMM, at Rico Catampungan ng dzEC- Eagle Broadcasting Corp.

Ang tatlong beteranong mamamahayag ay nahaharap sa multiple libel charges na inihain ng kinikilalang pinakamakapangyarihang political family sa Quezon province sa pangunguna ni House Minority Floor Leader at Quezon 3rd District Rep. Danilo Suarez.

Inaresto ang tatlo, sa bisa ng arrest order na ipinalabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 58 Judge Juris Dilinila-Callanta, sa pamamagitan nina Tayabas City police station na pinamumunuan ni S/Insp. Romar Pacis.

Inaresto sina Formaran, Glorioso at Catampungan dakong 7:10 am, matapos ang kanilang public affairs program na “Usapang Lalaki” na umeere sa dalawang local television at limang radio stations.

Hindi tumutol ang tatlo sa pag-aresto sa kanila at sumunod sa pangkaraniwang proseso pero pagkatapos ay naglagak ng piyansa sa Tayabas Municipal Trial Court sa ilalim ni Judge Lourdes Casco. Nakalaya ang tatlo dakong 2:30 pm.

Bukod sa mambabatas, ang tatlo ay sinampahan din ng kaso ng ina at anak ni Suarez sa Makati City at Quezon City.

O ‘di ba? Matinding harassment…

Wattafak!

Tayo man ay nakaranas ng ganyang harassment at hanggang ngayon ay patuloy tayong lumalaban sa pamamagitan ng pagdalo at pagtatanggol sa ating sarili sa korte.

Isang malaking bagay na mayroong isang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na laging handang umalalay at magtambuli sa mga nagaganap na harassment laban sa mga mamamahayag.

Ang NUJP po ang naglabas ng pahayag nang ang inyong lingkod ay arestohin sa NAIA noong 5 Abril 2015.

Gaya rin ng ginawa nila ngayon sa kaso ng tatlong beteranong mamamahayag.

Ibig sabihin, hindi po nagpapabaya ang NUJP, organisado at ang tunay na pinagkakaabala­han ay mga gawaing makatutulong nang malaki sa mga mamamahayag sa panahon ng pandarahas.

Kudos NUJP!

Walang hanggan po ang aming pasasalamat…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *