Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kapalpakan sa Kalibo Airport talamak pa rin (Attn: CAAP DG Jim Sydiongco)

KAILAN kaya pagtutuunan ng pansin at pakikialaman ni CAAP DG Jim Sydiongco ang pagkontrol sa pagdami ng flights sa Kalibo International Airport?

Hindi raw dapat dumami ang flights sa kakarampot na airport since unang-una, hindi ito pasado sa international standards of commercial aviation!

Bagama’t kayang lumapag ng mga Airbus 200 na commercial airlines, hindi pa rin talaga kakayanin na i-accommodate ang 51 flights daily para sa sukat ng nasabing airport.

Mantakin ninyo, 51 flights daily?

Susmaryosep!

Tama po, 51 daily flights at ‘yan ay sa international pa lang!

Hindi pa kasama riyan ang halos 25 domestic flights na dumarating araw-araw.

Juice colored!

Kaya naman pala minsan napadaan ako riyan ay umaabot hanggang runway ang pila sa arrival area at hanggang parking naman pagdating sa departure area!

Kapag dumarating ang ganitong pagkakataon, laging play safe naman ang CAAP Kalibo officials at agad naghahanap ng sisisihin gaya ng Customs, Immigration at Quarantine!

King enough naman!

Paano mo pagkakasyahin sa apat na arrival counters at  tatlong departure counters ng immigration ang dumarating na 7,000 pasahero araw-araw?!

Por dios y por santo!

Halos hindi na nga raw makuhang dyumingel at kumain ng mga taga-CIQ sa sanrekwang pasahero?!

Tapos kapag nagkaroon ng congestion hanap-sisi ang CAAP Kalibo?!

Dagdag pa riyan, mas malaki pa raw ang nasasakupan ng food stalls, restaurants at duty free kompara sa waiting area ng mga pasahero.

Siyempre naman, may kitakits raw kasi ‘di ba?

Madalas daw, sa sahig na nakaupo ang mga pasahero habang naghihintay ng boarding nila!

Pakengsyet!

‘Di ba nakahihiya para sa mga turista ang ganyan?!

Dapat siguro pagtuunan ng pansin ni CAAP DG Jim Sydiongco ang pagpapalaki sa physical structure ng Kalibo Airport bago pa ito magbigay ng landing permits sa iba’t ibang airlines!

Hindi worth it ang P700 terminal fee na sini­singil n’yo sa mga pasahero!

Agree ka ba riyan MIASCOR manager Madam Teresa Legaspi?!

HINDI NA NAKATUTUWA
SI SEC. “JOKE-NO”

BY the way, balitang bigla raw napasugod si Immigration Deputy Commissioner Aimee Torrefranca-Neri sa Davao City last week upang mag-courtesy call kay Pangulong Digong para maiklaro ang unang sinabi niya sa pag-aaproba ng ELF na pagkukuhaan ng pondo para sa OT.

Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin tumitigil si DBM Secretary Ben Joke-no ‘este Diokno sa pagtutol dito!

Sonabagan!

Aprobado na sa Presidente kumokontra pa rin?!

Wattafak!?

Hanggang ngayon pala ay mainit pa rin ang karburador ng Budget sikwatary ‘este secretary?!

Malinaw naman na pinayagan na ni Digong na gamitin ang ELF para sa trust fund ng BI.

Sa anong dahilan at magpahanggang nga­yon ay hindi pa rin makapag-move-on si Mr. Joke-no?!

Although hindi naman dapat mabahala ang kagawaran dahil hindi naman siguro ito babawiin ng Pangulo, ngunit hangga’t may mga taong ‘kontra’ sa bagay na ito gaya ni Diokno hindi pa rin magkakaroon ng peace of mind ang mga opisyal ng Bureau!

Dapat lang siguro na pagtuunan ng DOJ at BI na maamiyendahan na sa madaling panahon ang bagong Immigration bill kasama ang bago, reasonable at makataong salary grades ng mga empleyado.

Hindi man maaprobahan sa susunod na taon ang continuation ng OT pay, nakasisiguro naman na may salary increase para sa mga kawani ng ahensiya.

Para kay DBM Secretary, nakagigigil ka na sir, pramis!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *