Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Banta ng MIAA: Dentistang cyber-bully sasampahan ng cyber-libel at babawian ng lisensiya

HINDI masamang pumuna kung may dapat punahin kahit i-post pa sa social media.

Pero dapat ay tiyakin na totoo at may basehan ang kanilang mga ipo-post.

At huwag bansagan na ‘kawatan’ ang mga airport personnel nang walang basehan.

Ito ang pakiusap ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa  netizens.

Nito kasing nakaraang linggo, isang dentista ang malisyosong nag-post sa kanyang Facebook account ng mga larawan at tinawag na ‘kawatan’ ang personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Naunang ini-post ng isang Dr. Fe Cabalquinto sa kanyang FB post na ang kanyang mga kapwa pasahero sa Korean Air flight KE 621 ay naging biktima ng bukas-bagahe/nakaw-laman nang dumating sila sa NAIA terminal 1 dakong 11:30 am nitong 31 Enero 2018.

Ayon kay Cabalquinto, “Mr. and Mrs. Valero from Cavite and Mr. & Mrs. Oscar Alamo from Iloilo were the victims of that sun-of-a-gun hoodlum of our own airport.”

Agad iniutos ni MIAA general manager Ed Monreal ang imbestiga­syon hinggil sa post ni Dra. Cabalquinto sa kanyang FB account.

Tinugon ng MIAA ang post ni Cabalquinto at sinabing “Rest assured that we are now doing all we can to verify with the passengers themselves all information that we obtained from the airline. We will keep you updated about the progress of our probe. Thank you.”

Pero sa sertipikasyon na nilagdaan ng mga pasaherong sina Efren Valero and Teresita Valero, may petsang 1 Pebrero 2018,  nakasaad: “This is to certify that we arrived yesterday January 31, 2018, at around 11:30 in the morning, flight KE 621, we noticed that one of our boxes was partially opened. One of the lady passengers took a picture of the box and insisted to report it to the proper authority. When we arrived and checked the items in the box, there is no important item that was lost.

“As of this day, around 9:00 in the evening, APO2 Roderick Mejia, OIC-IID and his team from NAIA police personally coordinated and inquired the said incident. He further explained that the tape wrap around in the box was a US TSA inspection tape. He explained that the box was inspected in US airport and not in NAIA Airport.

“We are also informed that this incident was posted in social media by a certain, Fe Cabalquinto and we would like to clarify that we did not authorized nor permitted anyone to post this issue.”

Ang post ni Cabalquinto ay naka-tag sa PCOO officials, bloggers at mga miyembro ng media, iginiit na ang MIAA ay dapat magbigay sa kanya ng patunay na nakausap nila ang may-ari ng kahon at ipo-post niya ito sa comment section ng kanyang post.

Si Dra. Cabalquinto ay nag-post ng siyam retrato ng Balikbayan box noong 31 Enero, 11:05 pm, sa kanyang post nakasaad ang: “Pagkaraan ng mahaba at nakapapagod na byahe pauwi ng #PilipinaskongMahal, mula sa iba’t ibang panig ng America, nagkita-kita kami sa NAIA. Parang napakatagal na byahe ito sa lahat ng ginawa kong pag-uwi sa Pinas dahil sa mga di inaasa­hang nangyari na kagagawan ng Asiana airline, na sa huli ay ipinasa kami mula Korea to Pilipinas sa Korean Air. In fairness, nag-effort naman sila na i-assist kaming mga balikbayan pero kulang ang effort nila sa hirap at pagod na inabot namin.

Hindi iyan ang masaklap, pagdating sa NAIA, 2 senior citizens’ couples na kasabay naming umuwi mula sa New Jersey at Houston Texas ay NABIKTIMA na naman ng bukas-bagahe/ nakaw-laman ng airport natin. Mr. and Mrs. Valero from Cavite and Mr. & Mrs. Oscar Alamo from Iloilo was the victim of those sun-of-a-gun hoodlum of our very own airport. Imagine the long suffering we experienced from a very long flight at pagdating mo sa airport, ganito pa sasalubong sa yo, parang gusto mo nang maghurumintado!!!

Ilan ‘yan sa bahagi ng post ni Cabalquinto.

Pero ayon kay GM Monreal, ang lahat ay may kalayaan na mag-post sa kanilang social media account, ngunit ang kalayaang ito ay may ka­akibat na responsibilidad.

Iginiit ng MIAA kay Dra. Cabalquinto na i-post sa kanyang Facebook account ang public apology at burahin ang kanyang post.

Ayon kay Monreal, kapag nabigo si Dra. Cabalquinto na mag-post ng kanyang paghingi ng paumanhin at hindi buburahin ang kanyang post, ay maghahain sila ng appropriate legal action laban sa dentista at ipababawi ang kanyang lisensiya sa Professional Regulatory Commission (PRC).

Arayku!

Kaya sa netizens, hinay-hinay po kayo sa pagpo-post lalo na kung wala naman kayong isinasagawang imbestigasyon at lalo na kung hindi naman kayo awtorisadong gawin ito.

Lumalabas na itong si Cabalquinto ay entrometida pa sa may-ari ng mga bagahe.

Ngayon dapat siyang humingi ng paumanhin or else, maasunto siya at mawawalan ng lisensiya.

DFA CONSULAR OFFICE
SA ASEANA BUKAS NA
KADA SABADO SIMULA
10 PEBRERO 2018
(Kailan ibababa ang P1,200
bayad sa passport?)

MAGBUBUKAS na raw tuwing Sabado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana simula sa Sabado, 10 Pebrero 2018.

Ang Consular Office po ay ‘yung kuhaan ng passport.

‘Yan ay para raw maaresto ang lumalaking backlog sa applications at issuance ng passport.

Isa ito sa magandang hakbang ng DFA.

Pero sa  totoo lang, ang hinaing ng mga kababayan natin ay pabilisin ang proseso at is­suance ng passport. At higit sa lahat, babaan ang presyo.

Mantakin naman ninyo, nagbabayad ang mga Filipino ng P1,200 para sa pasporte para lang mapanis sa pag-a-apply at paghihintay na mailabas ang kanilang dokumento?!

Subukan po ninyong pumasyal sa Aseana, makikita ninyo ang mga kababayan natin na karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs) ay nakapila hanggang sa kalsada.

Secretary Alan Peter Cayetano Sir, muk­hang panay lang ang biyahe ninyo, aba solusyonan po ninyo ‘yang napapantot na problema sa DFA.

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *