Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

BI hit P4.75B collections for 2017

NAGTALA ng record na P4.75B koleksyon o kita para sa taong 2017 ang Bureau of Immigration.

Very good!

Ang nasabing record ay lumalabas na “all time high” sa mga legal na transaksiyon mula sa visa fees at iba pang applications ng lahat ng mga naging kliyente ng ahensiya, banyaga man o lokal.

Ayon kay BI-Commissioner Jaime Morente, mas mataas ang kolek­siyong ito nang P894.6M sa kinitang P3.86B na nakolekta noong 2016.

Lumalabas na 23 porsiyento ang naging improvement nito mula nang naupo ang kasalukuyang administrasyon.

Dagdag ng butihing commissioner ng Bureau, bunga raw ito ng inspi­rasyon at dedikasyon ng mga empleyado mula nang pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na maibalik ang kanilang mga da­ting OT pay at ibang benepisyo.

Nito nga lang bago sumapit ang 2018 ay pinahintulutan ng Pangulo na magtayo ang BI ng isang “trust fund” na pagkukuhaan ng kanilang overtime pay.

Ang nasabing pondo ay manggagaling sa express lane fees kasama sa kinokolekta sa bawat visa fees and other transactions mula sa mga kli­yente ng ahensiya.

GOODBYE
MIASCOR

NAWINDANG daw ang kompanya ng MIASCOR matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang terminasyon ng kanilang serbisyo sa lahat ng paliparan sa buong Filipinas.

Ang MIASCOR para sa kaalaman ng lahat ay nangangasiwa sa ground-handling services ng mga bagahe ng airlines sa lahat ng airports sa bansa.

Kamakailan ay sumabit ang ilang empleyado nito sa Clark International Airport matapos magreklamo ang isang overseas Filipino worker (OFW), si Jovinil Dela Cruz, na hinarbat ng ilang kawatang empleyado ng MIASCOR ang laman ng kanyang mga bagahe sa kanyang pag-uwi mula sa ibang bansa.

Mismong si Pangulong Digong pa ang humi­ngi ng paumanhin sa sinapit ng OFW at nangakong magkakaroon ng agarang solusyon ang kanyang reklamo.

Nitong nakaraang Linggo nga ay agad natanggap ng pamunuan ng MIASCOR ang love letter ‘este termination letter galing kay MIAA GM Ed Monreal at ipinag-uutos na i-vacate ng nasabing kompanya ang lahat nilang opisina sa NAIA kasama rito ang pagkalas sa pinirma­hang kontrata.

Sa ngayon ay 4,000 empleyado ng MIASCOR ang nagmamakaawa sa Presidente para big­yan ng konsiderasyon ang kanilang kompanya.

Pero dahil na rin sa sunod-sunod na kapalpakan ng pamamalakad ng MIASCOR sa kanilang mga tauhan, mas nakahihiya ang Filipinas kung magkakaroon pa ng mga biktimang kababayan lalo na kung mga dayuhan.

Marami na rin ang nakarating na mga sumbong sa atin mula sa mga foreigner na nawalan ng mahahalagang gamit sa kanilang mga bagahe.

Palibhasa ay mga temporary visitors lang o turista kaya karamihan sa kanila ay ipinagwawalang bahala na lang ang masamang karanasan sa kamay ng nga kawatan sa airport.

Sa dami naman ng mga kompanya na puwedeng mag-handle ng ganitong klaseng trabaho ng MIASCOR, hindi naman siguro mala­king kawalan kung magbakasakali ang NAIA at iba pang airports na subukan ang mas matino at tapat na mga empleyado na hindi magmumula sa MIASCOR.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *