Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko Estrada, pang-matinee idol (mabigyan lang ng tamang break)

STAR si Kiko Estrada sa My Fairy Tail Love Story. Hindi naman siya ang leading man ni Janella Salvador, dahil ang ka-love team niyon ay si Elmo Magalona, pero may mga nakausap kaming insiders na nagsabing lumutang ang kakayahan sa acting ni Kiko sa pelikula.

Ganoon naman talaga. Basta ang isang pelikula ay kagaya nga niyang My Fairy Tail Love Story na alam naman nating walang pretentions para sa mga international award at ang gusto talaga ay makapagbigay ng malinis na entertainment sa fans, hindi talaga ganoon ang acting requirement, pero may mga magagaling na lulutang talaga.

Kahit naman noong araw, doon sa mga ginawa niyang serye sa telebisyon, hindi man siya ang bida, lumulutang ang acting niya. In fact doon sa isang fantasy series na ginawa niya lately, alam ng mga tao na mas magaling siya kaysa bida, kaya naman walang nangyayari roon sa bida hanggang ngayon.

Iyong tipo ni Kiko ang mabigyan lamang ng tamang break, maaaring maging matinee idol kagaya ng tatay niya. Makikita mo naman—tall, dark and handsome ang dating. Nakuha kasi niya iyong features ng mga Ejercito at iyong kulay naman at features din ng mga Diaz, kaya lumabas na ganyan si Kiko.

Pero may mga artistang ganyan eh, sa una hindi masyadong napapansin. Pero dahil may talents talaga, iibabaw din iyan. Hindi nga lang siguro siya kagaya ng iba na may mga manager na nakikipagsisikan at nakikipag-agawan ng roles, pero lulutang at lulutang din iyan pagdating ng araw. Kailangan lang makahanap iyan ng isang magandang break, at isang director na bibigyan siya talaga ng break.

Mabuti naman gumagawa na siya ng pelikula ngayon sa Regal. At least sigurado siya na ang pelikulang ginagawa niya ay mapapanood ng mga tao.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …