Monday , May 5 2025

PhilHealth employees wagi sa TRO (Sibakan tinutulan)

NAGLABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Regional Trial Court (RTC) ng Pasig City laban sa pagsibak ni Interim/OIC President Dr. Celestina Ma. Jude P. De la Serna sa casual employees ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ipinalabas ni Pasig RTC Executive Judge Danilo Cruz ang TRO laban sa pagsibak sa anim casual employees na 19 taon na sa serbisyo sa PhilHealth.

Nauna rito, ang anim mula sa 17 casual employees ng PhilHealth na inisyuhan ng notice of termination noong 18 Enero 2018, ang dumulog sa Pasig RTC laban sa pending termination sa kanilang casual employment mula sa PhilHealth sa 31 Enero 2018.

Kabilang sa kanila sina Rosario Rhea N. San Miguel, single mother na may anak na may sakit at empleyado ng Philhealth sa nakaraang 19 taon; Norman Capagngan at Ivy Mendiola, common-law partners na may tatlong anak, kapwa registered nurses at pitong taon empleyado ng Philhealth; Maricel Laforteza, family bread winner; Mary Joy Fernandez, single parent na may dalawang anak na babae at Blessie An de Guzman, may asawa at dalawang anak, na empleyado ng Philhealth sa nakaraang siyam, anim at 13 taon.

Isinagawa ng mga empleyado ang hakbang makaraan ang kanilang apela sa PhilHealth Board para sa intercession and intervention, gayondin, nang ang kanilang dalawang beses na pakikipag-usap kay Secretary Francisco T. Duque, ay walang naging positibong resulta.

Anila, ang nasabing desisyon ng PhilHealth management hinggil dito ay dahil sa paninindigan ni De la Serna na dapat silang disiplinahin bunsod ng kanilang facebook posts. Sinuportahan ng ilang appointive Board members ang Interim/OIC President and CEO.

Noong 18 Enero 2018, ang 17 empleyado ay nakatanggap ng letters of termination, nag-aabiso na ang kanilang casual employment, “shall cover the period of January 1-31, 2018. Hence, be informed of the termination/expiration of your casual appointment with PhilHealth effective 01 February  2018.”

Ang nasabing abiso ay nilagdaan ng Interim/OIC president ng PhilHealth.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …

Raymond Adrian Salceda

Mayor Salceda: HEART 4S program para sa Albay 3rd district 

POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Mayor Raymond Adrian Salceda ng bayang ito na matagumpay na …

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda Marikina

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda

ISANG INA ang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak, habang nasa payout event na inorganisa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *