Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB kayang talunin

MAGSISILBING template para sa ibang mga koponan ang 100-94 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa San Miguel Beer noong Linggo.

Puwede palang talunin ang San Miguel. Iyon kasi ang unang kabiguan ng tropa ni coach Leo Austria.

At ang matindi doon ay kulang sa tao ang Gin Kings, o. Mayroon nga silang three-game losing streak, e.

Hindi pa rin nakapaglaro noong Linggo ang se­ven-footer na si Gregory Slaughter at si Joe DeVance.

So papasok sa laro ay talagang dehado ang koponan ni coach Tim Cone.

Sino ba ang maitatapat nila sa four-time Most Valuable Player na si June Mar Fajardo?

Hindi kakayahnin ni Japhet Aguilar na mag-isang pigilan si Fajardo.

Pero mayroon palang puwedeng pumigil kay Fajardo!  Yung isang Aguilar! Si Raymond!

Biruin mo iyon? Parang hindi inaasahan, e.

Kasi kung titignan ang history ni Raymond hindi naman siya superstar. Katunayan ang huli niyang pinaglaruan ay ang Blackwater Elite.

Nakasama siya sa palitan ng  tigalawang manlalaro sa third conference noong nakaraang season. Ang talagang target ng Gin Kings ay si Art dela Cruz at isinama na lang si Aguilar. Ipinamigay ng Gin Kings sina Dave Marcelo at Chris Ellis.

Hanggang ngayon ay hindi nakapaglalaro si Dela Cruz. Pero napakinabangan na si Raymond Aguilar.

At ngayon ay tiyak na hahanap ang mga ibang teams kung sino sa kanilang players ang puwedeng maging Raymond Aguilar kapag katapat na nila ang San Miguel Beer.

Dapat ay mayroon silang ganoong klaseng manlalaro para magkaroon sila ng tsansa!

SPORTS SHOCKED
ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …