Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tycoon KTV Club sa Aseana City dinudumog ng mga ilegalista!?

MULA gabi hanggang madaling araw, dinudumog ng mga parokyanong Chinese at iba pang nationality ang Tycoon KTV Club diyan sa Aseana area.

Ang dahilan, maraming Chinese mainland GRO cum prositutes ang tumatambay sa nasabing KTV Club.

Kunwari ay mga customer rin sila ng Tycoon KTV Club pero sa totoo lang, sila pala ang dinarayo roon.

Kumbaga, sila ang tunay na pang-c’mon ng Tycoon KTV Club.

Bukod sa mga Chinese prostitute, madalas din umanong mamataan ang ilang kahina-hinalang karakter na mukhang maraming inilulutong transaksiyon sa VIP rooms ng Tycoon KTV Club.

Siyempre, kapag nasa VIP room na sila, protektadong-protektado na.

Marami ang nagtataka kung bakit nakalulusot sa matatalas na mata at pang-amoy ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga babaeng Tsina at kahina-hinalang karakter na ‘yan na palagiang tambay sa Tycoon KTV Club?!

Ilang Immigration people din ang sinabing madalas na namamataan sa nasabing KTV club na dinarayo ng mga Chinese national.

Mayroon ba silang mga transaksiyones sa Tycoon KTV Club?!

Immigration Commissioner Bong Morente, Sir, pakibusisi nga ang mga parokyano ng na­sabing KTV bar.

Baka isang araw e, mamalayan n’yo na lang na may extension office na ang Immigration’s Office of the Commissioner (OCOM) sa Tycoon KTV Club?!

Hala, ayaw ni Tatay Digong nang ganyan!

ANTI-POLITICAL
DYNASTY
ISINUSULONG
SA KYUSI

MALAKAS ang panawagan ngayon sa Que­zon City na tuldukan na ang political dynasty.

Pero, sabi nga ng matatanda, namulatan na nila ng Kyusi na pugad at pinatatakbo ng mga angkan-angkang politiko.

Sino ang mangangahas na putulin ang ganyang sistema sa lungsod?!

Sa lawak ng Quezon City, nakapagtataka na parang ilang angkan lang ang naninirahan sa lungsod na isinunod pa sa pangalan ng isang dating Pangulo ng bansa.

Kung tutuusin, ang Quezon City ay maituturing na academic seat ng bansa dahil nariyan ang mga kilala at malalaking unibersidad sa bansa.

Pero, nakapagtataka na tahimik ang mga tinaguriang ‘intellectual monsters’ laban sa political dynasty.

Sino-sino nga ba ang mga angkan-angkang politiko riyan sa Kyusi?!

Naririnig ba natin ang apelyidong Bautista o Belmonte?! Aquino, Crisologo o Mathay? E how about Castelo and Sotto?

Ewan lang natin kung mawakasan ang political dynasty sa Kyusi?!

Ano sa palagay ninyo Mayor Bistek?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …