KINANSELA ang pagdinig ng Senado hinggil sa bonggang Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na itinakda ngayong Miyerkoles, 17 Enero.
Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Games and Amusement, sasabay ito sa nakatakdang muling pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado hinggil sa pag-amiyenda ng Saligang Batas sa pa-mamagitan ng Constituent Assembly.
Nitong Lunes pormal na isinumite ni Lacson ang Senate Resolution No. 580 para ma-convene ang Senado bilang Constituent Assembly upang masimulan ang pag-amiyenda sa konstitus-yon.
Ngayong araw ay nakatakdang humarap sa pagdinig tungkol sa Charter change ang tatlong dating Supreme Court justices na sina Reynato Puno, Hilario Davide at Artemio Pa-nganiban, gayondin si dating Senate President Nene Pimentel, kasama ang mga dating miyembro ng 1986 Constitutional Commission, mga miyembro ng academe at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor at executive branch.
(CYNTHIA MARTIN)