Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Matinding traffic sa East Avenue prehuwisyo na sa kabuhayan

MATAGAL nang inirereklamo ng mga motorista ang prehuwisyong traffic sa East Avenue.

At ang isa sa mga dahilan niyan, ang kaliwa’t kanang parking ng mga bus na hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kaya kung manggagaling sa EDSA, dalawang lane na lang ang nadaraanan ng mga motorista.

Ang ipinagtataka natin, napakataas magpataw ng penalty ng LTFRB, e bakit hindi sila umupa ng impounding area para hindi sila nakasasagabal sa national road.

Main thoroughfare po ang East Avenue kaya hindi dapat inaabala ang trapiko.

Mabuti sana kung mabilis magproseso ng huli ang mga taga-LTFRB.

Hindi po.

Katunayan sa tagal ng pag-aayos nila sa mga papeles, kung sakali mang matubos na ang mga bus kasunod naman nito ay babatakin na ng banko.

Alam naman natin na ‘yang mga sasakyang ay under financing at binabayaran ng mga operator buwan-buwan.

Kaya kung nakabinbin ang mga bus nila, wala silang kita.

Yes po.

Ganyan ang grabeng prehuwisyong nararanasan ng mga may-ari ng bus o sasakyan na ‘hinuhuli’ ng LTFRB.

Alam naman natin na maraming bus operators ang may utang sa banko at kinakailangan nilang bayaran. E paano nga kung hindi kumikita ang bus o sasakyan dahil sa kupad mag-release ng LTFRB?!

Nabulok na ‘yung sasakyan, nagtambak nang nagtambak pa ang penalty nila sa banko. Kaya sa huli, mababatak pa ng banko ang bus.

Wattafak!

Prehuwisyong tunay.

Ano ba talaga ang nangyayari, LTFRB chair, Atty. Martin Delgra III?!

Nasusubaybayan ba ninyong talaga ang ahensiyang pinamumunuan ninyo?!

Paki-check ang mga tao ninyo riyan at baka kung ano-ano na ang pinaggagawa kaya prehuwisyo na sa trapiko, prehuwisyo pa sa kabuhayan.

Paging Atty. Delgra!

IMMIGRATION NAKAALERTO
KAY KENNETH DONG

ISANG “heightened alert status” sa lahat ng airports and seaports sa buong bansa ang ipinatupad ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente tungkol sa napabalitang pagtakas ni Dong Yi Shan a.k.a. Kenneth Dong, subject ng Immigration Lookout Bulletin Order.

Si Kenneth Dong ay kasama sa mga ipina-subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee, ang itinuturong “middle man” sa P6.4 bilyong halaga ng smuggled methamphetamine (shabu) na nakompiska ng Bureau of Customs noong nakaraang May 2017.

Siya rin ang ini-identify ni witness Mark Taguba na gumitna o nag-facilitate sa pagpasok ng nasabing kargamento na dumaan sa kompanya ni Chinese Businessman Richard Tan sa China.

Totoo kaya ang napabalita na lima hanggang 10 milyong piso ang handang i-offer ni Kenneth Dong para lang makalabas ng bansa at takasan ang kanyang asunto?

Ito ngayon ang pinatututukan ni Commissioner Morente pati ni Ports Operations Division chief, Marc Red Mariñas sa lahat ng kanilang nasasa­kupan.

Malaki ang posibilidad na sa laki ng offer na ibinibigay ng kampo ng suspek, e baka may ilang pumatol na kawani ng ahensiya lalo at sandamakmak ngayon ang dami ng mga pasahero na labas-pasok sa ating bansa bunsod ng nagdaang kapaskuhan.

Sana naman ay hindi matukso ang ilang emple­yado riyan na patulan ang ganitong klaseng transaksiyon.

Isipin na lang nila kung gaanong sakripisyo ang ibinigay ng kanilang mga bossing sa DOJ at BI para mapanumbalik ang kanilang overtime pay.

Matatandaan na kamakailan lang ay puma­yag na si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang Express Lane Fund ng BI para gamiting pambayad sa overtime pay ng lahat ng mga emple­yado ng kagawaran.

Aba kapag may pumatol diyan at pumutok, baka biglang bawiin ang pagbabalik ng OT pay ninyo, madamay pa ‘yung mga nagtatrabaho nang parehas.

OBSTRUCTION SA OLOPSVILLE
HINDI MAAKSIYONAN!
(ATTN: SAN MATEO MAYOR DIAZ
AT BRGY. KAP. CANOY!)

NAGREREKLAMO ang ilang mga residente ng Olopsville sa Brgy. Gulod Malaya, San Mateo Rizal kaugnay sa kawalan ng aksiyon ng mga kinauukulan upang maresolba ang problema sa naturang lugar.

Base sa sumbong, matagal na panahon nang hindi nareresolba ang problema ng “right of way” at obstruction sa naturang subdivision dahil walang maayos na liderato ang “Homeowners” sa naturang lugar.

Kumbaga, non-existing na ang pamunuan ng nabanggit na subdivision kaya’t walang umaa­yos sa problema ng mga residente.

Gaya na lang ng isang insidente na may dumulog na isang residente sa barangay na pinamumunuan ni Chairman Rodolfo Canoy dahil sa problema sa “right of way” makaraang gawing paradahan ng apat na sasakyan ang kanilang harapan sa Blk 2 Lot 1 St. John St., Olopsville, San Mateo Rizal ay mukhang nganga lang si Kapitan?!

Sinubukan pang kapanayamin ng isang bulabog boy natin si kupitan ‘este Kapitan pero sa telepono lang nagpaunlak pero mukhang pambobola at OPM ang sinabi na aaksiyonan ang problema ng Pamilya Bacud.

Matagal nang residente sa naturang address ang pamilya Bacud at kapitbahay nila si Architect Ramon de Guzman na tatlong bahay ang pagitan sa kanila na ginawang parkingan ng mga sasakyan nila.

Anak ng tungaw naman!

Napilitan tuloy lumipat sa ibang bahay sa loob rin ng subdivision ang pamilya Bacud dahil sa pang-aabuso ng naturang Architect.

Mantakin n’yo, tanging mga sasakyan ni Arch. De Guzman ang nakaparada sa harapan ng bahay nina Bacud at hindi pa nakontento, nagtayo pa ng kubol para sa mga sasakyan n’ya?!

At hindi lang normal na kubol kundi malaki’t mahabang kubol na gawa sa bakal at yero na?!

Kaya sa buwisit ng pamilya Bacud ay mina­buti nila na lumipat at ibenta na lang ang bahay nila pero ang masaklap ay ilang buyer ang umayaw sa kanilang bahay dahil nga sa prehuwisyong paradahan ng sasakyan ni Architect sa harap ng bahay ng mga Bacud.

Nakapagtataka lang kung bakit parang bahag ang buntot ni Brgy. Chairman Canoy sa isyung ito at hindi niya kayang resolbahin ang problema ng pamilya Bacud?!

Wattafak!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *