Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Traslacion ng Nazareno umabot ng 22-oras

NAIBALIK na ang andas ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church dakong 3:00 ng madaling-araw nitong Miyerkoles, ma­kalipas ang 22-oras ma­karaan magsimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand nitong Martes ng madaling-araw.

Halos 2.5 milyong deboto ang sumabay sa 6.9-kilometer procession na nagsimula pasado 5:00 am nitong Martes mula sa Quirino Grandstand, at umabot ng 6.3 mil-yon nang makarating sa Quiapo Church kahapon ng madaling-araw, ayon sa pagtataya ng pulisya.

Ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nagsagawa rin ng sarili nilang religious ce-lebration, at daan-daang mga Katoliko ang nagsagawa ng kanilang prusis-yon sa kanilang rehiyon.

Ang mga deboto sa Plaza Miranda na naghintay sa Itim na Nazareno ay itinaas ang kanilang mga kamay at umawit habang paparating ang imahe.

MAKARAAN ang 22-oras naibalik sa Quiapo Church ang Poong Nazareno kahapon ng madaling-araw. (ALEX MENDOZA)

Ayon sa Philippine Red Cross, umaabot sa 1,000 deboto ang sumama ang pakiramdam at nasugatan habang isinasagawa ang prusisyon, ang kanilang nilapatan ng lunas.

Mahigit 4,000 pulis at sundalo ang idineploy upang matiyak na ma-ging payapa ang prusis-yon, ayon kay NCRPO chief  Oscar Albayalde.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …