Wednesday , April 16 2025

Tambay bawal sa Jones Bridge (Habang may Traslacion)

IPAGBABAWAL sa mga deboto ang pagtambay sa Jones Bridge sa Maynila upang hintayin ang pagdaan doon ng Itim na Nazareno sa “Traslacion” ngayong Martes, pahayag ng isang opisyal nitong Linggo.

“Kaya naman niyang (tulay) i-withstand ang weight ng mga tao. Pero ngayon, mayroon tayong binagong regulation — na walang mag-iistambay. Puwedeng daanan, pero walang istambay muna doon sa bridge,” ayon kay Johnny Yu, director ng city disaster office.

NAPUNO ng mga deboto ang malapad na Jones Bridge na nag-uugnay sa Intramuros at Binondo nang idaan dito ang translacion ng milagrosong Poong Jesus Nazareno dakong 2:30 ng hapon, noong nakaraang taon. (BONG SON)

“Ang mangyayari, bago dumating ang andas, wala nang nakais-tambay sa bridge. Pagdaan ng andas, saka nila bubuksan iyan para tuloy-tuloy ang takbo ng andas,” dagdag niya.

Bukas, Martes, idaraos ang prusisyon ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Nakapuwesto na ang 26 medical stations sa ruta ng Traslacion, ayon kay Yu.

Aniya, nasa 500 deboto ang nakararanas ng heat stroke, pagod at stress sa prusisyon kada taon

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *