UMABOT sa 105.3 milyon ang populasyon ng Filipinas noong 2017, at tinatayang aabot ng 107.1 milyon ngayong 2018, ayon sa pinakahuling datos ng Commission on Population (POPCOM).
Bagama’t pinakamalaking porsiyento ng populasyon ay mga 14-anyos pababa, kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng senior citizens sa bansa.
Noong 2017 ay higit 7.8 milyon ang senior citizen sa bansa, sinasabing madaragdagan ito ng 140,000 ngayong 2018 para maging higit 8.1 mil-yon.
Ipinaliwanag ng pinuno ng POPCOM, naki-kisabay ang Filipinas sa maraming bansa na ang karaniwang bilang ng mga anak sa isang pamilya ay tatlo na dating anim.
“Worldwide trend [ang] population control programs… Also, with medical advancement, people live long lives,” ani POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez.
‘Yun nga lang, kapag dumarami ang senior citizen, mas marami ang mangangailangan ng serbisyo ng pamahalaan gaya ng pinansiyal at pangkalusugan.
Mungkahi ng POPCOM, bukod sa serbis-yong medikal at tulong-pinansiyal ng pamahalaan, dapat din hikayatin ang ating mga caregiver at nurse na manatili sa bansa para rito mag-alaga ng Filipino senior citizen, imbes sa ibang bansa.