Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gun, liquor ban ipatutupad ng MPD (Sa Traslacion 2018)

MAGPAPATUPAD ang Manila Police District ng 48-hour gun ban sa lungsod ng Maynila sa 8-10 Enero para sa paggunita sa pista ng Itim na Nazareno sa susunod na linggo.

Sa nasabing gun ban, pansamantalang sususpendehin ang permits to carry firearms, maliban sa uniformed personnel, mula hatinggabi ng 8 Enero hanggang hatinggabi ng 10 Enero, ayon kay  Manila Police District head, Chief Supt. Joel Coronel sa press briefing nitong Huwebes.

NANAWAGAN ang grupong Green Brigade at EcoWaste Coalition sa harap ng Simbahan ng Quiapo sa Maynila sa mga deboto na iwasan ang pagkakalat sa paggunita ng pista ng Itim na Nazareno sa Martes.(BONG SON)

Ang mga may makatuwirang dahilan para ma-exempt sa gun ban ay pinayohang iwasan na lamang ang Maynila habang epektibo ito, ayon kay Coronel.

Dagdag ni Coronel, naghain siya ng rekomendasyon sa Office of the City Mayor para sa liquor ban at umaasang magpapalabas ng executive order hinggil sa isyu.

Kapag iniutos ni Mayor Josep Estrada, sa nasabing ban ay ipagbabawal ang “sale, distribution, consumption of liquor and other alcoholic beverages within a 500-meter radius from the vicinity of the procession route” kabilang ang Lu-neta at Quiapo Church, mula 6:00 pm ng 8 Enero hanggang 6:00 am ng 10 Enero.

“Establishments which are accredited by the Department of Tourism shall not be covered by this ban,” pahayag ni Coronel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …