Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PH delikado pa rin sa mamamahayag (Sa tala ng Reporters Without Borders (RSF)

APAT sa limang mamamahayag na target ng mga assassin ay pinaslang.

‘Yan ang ulat ng Reporters Without Borders (RSF) sa taong ito, na nakalap ng Rappler, matapos maging zero media killings noong nakaraang taon.

Pero ngayong 2017, bumalik ang Filipinas sa talaan ng “deadliest countries for journalists.”

Ayon sa Rappler, sa listahan ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), 156 Filipino journalists ang pinaslang/napaslang sa mga kasong may kaugnayan sa kanilang trabaho mula noong 1986.



Kabilang dito ang pinakamataas noong 2009 Maguindanao massacre, na may biktimang 58 individuals at 30 ang media men.

Ang iba pang bikltima ay sina Christopher Iban Lozada, isang radio broadcaster mula sa Bislig, Surigao del Sur na binaril; Leo Diaz, isang tabloid columnist na pinaslang sa Batangas; at Joaquin Briones, isang radio commentator at kolumnista na pinaslang sa Masbate.

Ang publisher at kolumnistang si Larry Que, na mahigpit na bumabatikos sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa ilegal na droga.

Wala sa listahan ng mga bansang mapanganib sa mga mamamaha­yag ang Filipinas noong 2016.

Pero bago matapos ang 2016, pinaslang si Que, ang kauna-unahang mamamahayag na pinaslang sa administrasyong Duterte.

Taon 2017 nang buuin ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Bago matapos ang 2017, inilabas ng RSF ang ulat na ang Filipinas ay kabilang pa rin sa mga bansang mapanganib para sa mga mamamahayag.

Kung kailan may presidential task force na ang trabaho ay tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamahayag, saka muling naisama sa talaan ng mga bansang mapanganib para sa mga mamamahayag ang Filipinas.

Bago mag-Pasko, ang beteranong mamamahayag na si Mat Vicencio, kolumnista  at editorial consultant ng pahayagang ito, ay nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay matapos maging kritikal sa kanyang kolum na Sipat sa hepe ng PTFoMS.

At matapos magpa-blotter si Vicencio, pina­dalhan ng National Press Club (NPC) ang aming tanggapan (JSY Publishing) ng sulat na nagte-terminate sa aming lease contract.

Ang hepe ng PTFoMS ay sinundang pangulo ng kasalukuyang pangulo ng NPC.

Ang kasakuyang hepe ng PTFoMS ay dating presidente ng NPC nang ang inyong lingkod ay dakpin sa kasong Libel, noong 5 Abril 2015, Easter Sunday sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) bilang paninikil sa press freedom ang ginawang pagdakip sa inyong lingkod sa araw ng Linggo.

Hindi kumibo ang NPC sa ilalim ni Joel Egco. Sa halip nagbuo siya ng  task force na pinamumunuan ng isang abogado na ngayon ay kanyang chief of staff sa PTFoMS para absuweltohin ang mga pulis na umaresto sa inyong lingkod.

Kung nasa listahan ng RSF ang Filipinas bilang isa sa pinakamapanganib na bansa para sa mga mamamahayag sa panahon na mayroong PTFoMS na pinamumunuan ni Egco, nakapagtataka ba ito?

Sa ganang atin, dapat sigurong suriin ni Pa­ngulong Rodrigo “Digong” Duterte kung ang PTFoMS ay nakatutulong sa kanyang administrasyon.

Isang beteranong politiko at lingkod-ba­yan ang Pangulo, sa palagay natin alam niya kung sino ang mga tunay na nakatutulong sa kanya at kung sino ang mga nakasisira sa kanya.

IMMIGRATION ‘casino boy’
OFFICER KAKASTIGOHIN
NI COMM. JAIME MORENTE!

NABAHALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente matapos malaman ang report tungkol sa isang Immigration Officer (IO) na namataang nagsusugal diyan sa Signature Club ng City of Dreams Hotel, Resort and Casino.

Sino nga naman ang matutuwa kung malaman ng head ng isang government agency na ang kanyang tauhan ay todo-pasa kung magsugal sa casino!?

Paano nga naman, na ang isang gaya ni IO Ibrahim Casado ‘este Calzado ay makapaglaro sa isang VIP club ng isang casino kung hindi sandamakmak ang kanyang kuwartang pangka­pital?

Bago pa man natin inilabas sa ating kolum ang natanggap nating report ay sinigurado ng ating bubwit na si IO Cashado ‘este Calzado ang nakita niyang naglalaro sa Baccarat table na naka-uniporme pa sa  nasabing casino.

Petmalu!

Hindi lang ‘yan! Sinigurado ng ating asset na may ebidensiya siya sa nasabing IO kaya naman kung pasisinungalingan niya ang ating ulat ay welcome siya na magkita kami sa opisina ni Commissioner Morente o maging kay SOJ Vitaliano Aguirre para mailahad ang hawak na ebidensiya.

Homaygad!

Sa isang banda, sinigurado ni BI Commissioner Morente na hindi niya palalampasin ang insidenteng ito at agad aaksiyonan ang ganitong klaseng gawain ng isang public servant ‘kuno’ na gaya ni IO Gastado ‘este Calzado!

Paktay kang bata ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *