Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Ballesteros, bunga ng dugo’t pawis ang dream house!

NAKATUTUWANG makita ang mga post sa social media ng Dabarkads na si Paolo Ballesteros ukol sa kanyang bagong bahay. Actually, ang naturang tahanan na madalas niyang ilagay sa social media ay ang dream house ni Paolo.

Kabilang sa posts ni Pao sa kanyang IG account mula nang lumipat siya ng bahay ay: First. GOD bless OUR home 🙏🏼 👍🏼 😘 ❤️ 🏡 at First. 😘 🤗 Good morneng!.

Nang nag-comment ako na dapat ay Don Paolo na ang itawag sa kanya ngayon, tugon niya sa amin, “Haha grabe naman! Hindi noh!”

Sa aming panayam kay Pao, ayaw niyang sabihin kung ilang milyones inabot ang kanyang magandang bahay. “Maliit lang ang budget niyan. Maayos at maganda lang talaga ang pagkagawa”

Dream house mo ba ito? Tugon ng award-winning actor, “Yes, this is my dream house with my family, not too big, pero iyon nga iyong sapat lang sa amin. Hindi rin expensive ang mga gamit dito, basta we made sure na maayos, malinis at matibay ang pagkakagawa.”

Masasabi mo bang ang bagong bahay mo ay katas ng dugo’t pawis ng paghihirap mo sa showbiz? “Katas ng puyat, katas ng mukap (make-up) na walang humpay, pati pag-iipit kay Junjun, hehehe, lahat na,” pabirong tugon pa niya na ang tinutukoy na Junjun ay ang kanyang genitalia.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …