Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Online shopping app, nag-crash dahil kay Kris

IBANG klase talaga si Kris Aquino kung maka-impluwensiya ng tao. Hanggang ngayon, malakas pa rin ang hatak niya sa publiko.

Tulad na lang nitong online shopping app na endorser si Kris, ang Adobomall. Malaki ang naging bahagi ng tinaguriang Queen of Social Media and Online World para lalong tangkilikin ito at dumami ang namimili sa kanila online.

Balitang nag-crash nga ang app na ito simula nang i-promote ni Kris sa kanyang social media account dahil sa rami ng gustong mamili.

Ang adobomall ay isang shopping app na mabibili mo ang lahat ng bagay na hinahanap mo sa isang department store. Sabi nga ng hashtag ng adobomall  #FindRealGreatFinds na talaga namang hindi ka na mahihirapang pumila sa mahabang bayaran lalo na ngayong Christmas season para lang makapamili dahil nasa kanila na ang 300 retails brands.

Hindi naman kataka-takang mangyari ang pag-crash sa online hub na ito dahil si Kris ang may pinakamalawak na engagement.

BUKOD TANGING
MATAAS
ANG ENGAGEMENT

To date, ang Instagram followers niya ay umabot na sa 3.2-M. Ang Facebook followers naman niya ay 1-M na, at ang Twitter ay 1.4-M followers.

Ang Youtube naman niya ay mayroon lamang 70,000 dahil bago pa ito sa aktres/TV host.

“Si IG talaga ang basehan namin kasi nagmi-mirror lang ito kay FB, kay Youtube,” sambit ni Jack Salvador, isa sa staff ni Kris nang makasalubong namin minsan. “Ang reliable namin si IG. Nagu­gulat kami roon, kasi bigla-bigla may post na si Madam (Kris),”  tugon pa nito.

Ani­y­a pa, si Kris, ang bukod-tanging may 3.2 followers na ang engagement ay mataas dahil siya mismo ang nagre-reply sa mga ito. ”At saka ‘yung IG niya siya talaga ang may hawak,” kuwento pa ni Jack.

Kaya naman hindi kataka-taka na nang magpunta ang dating tinaguriang Queen of All Media sa Google/Youtube Singapore ay ganoon na lamang ang ginawang pagpapahalaga at pagsalubong sa kanya.

Napag-alaman naming pagdating ng kampo ni Kris doon ay puro videos nito ang nakalagay. ”‘Yung buong mall nila puro videos ni Ma­dam kasi natutuwa sa kanya si Google at Youtube,” ani Jack.

“Then on the following day nagpunta naman kami sa Facebook and Instagram at ganoon din, iba rin ‘yung engagement niya.”

Naiiba si Kris sa may maraming followers pero mababa ang engagement. Si Kris, mataas na ang bilang ng followers at mataas rin ang engagement.

SHOWBIZ KONEK
ni Marcirs Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …