Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Sy, wish na bumalik na si John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home

ISA ang komedyanteng si Paul Sy sa mga naghihintay sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa kanilang sitcom na Home Sweetie Home. Ang naturang sitcom ay tinatampukan nina Lloydie at Toni Gonzaga.

“Wish ko po na maibalik kami na regular basis na talaga tulad nang dati at siyempre, ay wish din namin iyon na makabalik na sa Home Sweetie Home si Lloydie.

“Pero kung ano man ang maging desisyon ni Lloydie, siyempre po ay suportado naman namin iyon at nauunawaan namin siya. If anoman ang maging desisyon niya ay nirerespeto namin siya at deserve niya po talaga iyon na maging happy,” pahayag ni Paul na gumaganap bilang janitor sa opisina kung saan nagtatrabaho si Lloydie.

Sinabi rin niyang nami-miss na nila si John Lloyd.

“Oo naman, miss na natin talaga si Lloydie. Kung silang viewers ay nami-miss nilang makita sa TV si John Lloyd, ano pa kaya kami na nakakasama namin siya sa hapag kainan. Hindi po ba?

“Kahit si Ellen (Adarna), miss na rin po namin siya.”

Anyway, si Paul ay isa sa cast ng advocacy film na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ng actor/politician na si Alfred Vargas. Very soon ay iikot na ang naturang pelikula sa mga paaralan sa buong bansa.

Mula sa direksiyon ni Perry Escaño, tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Miggs Cua­derno, Marc Justine Alvarez, Lou Veloso, Micko Laurente, Loren Burgos, Kiko Matos, Ernie Garcia, Tori Garcia, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …